My Romantic Destroyer 51

1K 23 4
                                        

 

Dedication: I dedicated this chapter to @tleighgirl . Thank you sa pag message sakin at sa pagbabasa ng mga stories ko. God speed. :) Labyuuu.

SOPHIE's POV

Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Anong sinasabi ni Shael na fiancé niya si Rocky? At bakit ganoon na lang ang galit ni Shael at Francis sa isa't isa? Paano namin masosolusyunan ang problema kung nagkakawatak watak na kami?

Imbis na sulitin ang break time ay muli na lang akong umupo sa pwesto ko. Kanina ko pa rin iniisip kung bakit naisipan ng adviser namin na baguhin ang seat plan. Pero nang malaman kong lumipat sa section namin ang traydor na 'yon, hindi na nakakapagtaka. Baka isa rin 'to sa plano nila.

Kung isa nga 'to sa plano nila, bakit nakasama sa kanila si Shael? Binago na rin niya ang itsura niya. Tinraydor na rin ba niya kami? Pero, imposible. Kilala ko na si Shael. Ayaw na ayaw niya sa mga traydor kaya sigurado akong may dahilan ang lahat ng 'to.

Nagbalik lang ako sa realidad nang maramdaman ko ang malamig na bagay sa noo ko. Idinikit pala ni Lucas ang hawak hawak niyang bottled water sa'kin.

"Huwag ka nang masyadong mag isip." Sabi pa niya nang iabot na niya sa'kin ang inumin.

"May idea ka ba kung bakit naging mag fiancé sila Rocky at Shael?" Pagtatanong ko naman sa kanya tsaka ko ininom ang binigay niyang bottled water.

"Hindi ko na iniisip ang bagay na 'yan. Isang walang kwentang hakbang ang ginawa nila." Umupo sa tabi ko ang boyfriend ko habang ako ay nagtataka sa mga sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"May kutob ako na plano lahat ni Brent ang mga nangyayari. Itong pagiging mag fiancé nila Rocky at Shael ay isang paraan lamang para mapagbigyan ni Brent ang kapatid niyang hindi alam ang salitang move on." Sinimulan ng kainin ni Lucas ang binili niyang sandwich.

"Ang ibig mo bang sabihin, ang pagiging mag fiancé nila Rocky at Shael ang naging dahilan kaya magkakahiwalay sila ni Francis at doon na makaka eksena si Bea?"

"You got it right, yeobo." Si Lucas na ngumunguya pa.

Napabuntong hininga na lang ako. "Bwisit talaga yung babaeng palaka na 'yon. Kailan ba siya matatauhan?"

"Kapag naging asul na ang araw, yeobo." Kinuha ni Lucas ang hawak hawak kong bottled water at siya naman ang uminom nito. "Kaya, yeobo, hayaan mo muna si Shael. Kagaya ng sinabi niya, just stay away from her."

Ano pa nga bang magagawa ko? Siya na mismo ang nagtutulak sa'kin palayo. Hindi dapat 'to malaman ni Wendy dahil sigurado akong makakasama 'to sa kanya.

Natapos ang break time at bumalik na ulit ang lahat sa klase maliban kay Francis, Shael at Rocky. Wala na rin kaming lunch break dahil wala na kaming klase pagkatapos ng morning class. Mga hindi pa raw pumapasok ang teachers namin. Ang sarap naman ng buhay nila.

Pagkatapos ng klase ay napagpasyahan namin ni Lucas na dumiretso sa headquarters. Pagdating namin doon ay wala kaming naabutan na kahit na sino.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV gamit ang remote control. Hindi na naman nila tinanggal ang saksak. Mga pasaway talaga.

"Yeobo, anong gusto mong kainin?" Sigaw ni Lucas mula sa kusina.

"Kahit ano."

Ano ba 'yan... patayan naman 'tong palabas sa TV. Nakakadiri. Hinubad ko ang suot kong sapatos para maitaas ko sa sofa ang mga paa ko. Mas komportable akong manood sa ganitong pwesto.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon