A/N: Joey Salvador at the multimedia.
SHAEL's POV
11:30AM, sumilip ako sa may pintuan ng classroom. Maglalunch break na pero ang haba pa rin ng pila. Hindi ba nagsasawa ang mga babaeng 'to na maghintay? Sabagay, mananalo kami dahil sa tulong nila.
"Girls, hindi pa ba kayo nagugutom? Maglalunch na. Bumalik na lang kayo." pakiusap ng kaklase kong lalake na naka assist sa pilahan.
"Okay lang basta makapasok lang kami sa loob." Kinikilig na sagot ng isa sa mga babaeng nakapila. Sumang ayon naman ang lahat sa kanya. Ganoon sila kadesperada? Pati pagkain nila ipagpapaliban nila para sa tatlong 'to?
"Shael!" Nagulat na lang ako nang makita ko si Noel na nasa harapan ko na. Kasama niya sila Sam at... Rocky?
"Kyaaaaa! Kumpleto na ang grupo nila!" sigaw naman ng isa sa mga babae. Grabe ha! Ang sakit sa tenga ng tili niya!
Nakalimutan kong malakas din ang appeal ng tatlong 'to. Sila nga pala ang sumunod sa amin na may pinakamaraming points. Kumbaga ang section nila ang kakumpetensya namin sa ngayon.
"Anong ginagawa niyo dito? Nagmamanman kayo sa'min no? Mga kalaban kayo!" biro ko sa kanila.
"Ouch." si Sam na napahawak pa sa dibdib niya na akala mo talaga nasasaktan. "Ang sakit naman na ipinagtatabuyan tayo ng isang magandang binibini." Inirapan ko lang siya dahilan para mapatawa siya.
"Oo nga, Trisha. Hindi mo ba kami namiss?" sabi ni Rocky.
Nakaramdam ako ng kakaiba. Mabait naman si Rocky pero bakit nagawa niya kaming lokohin? Nabulag lang ba talaga siya ng pagmamahal?
Napatingin ako kila Sam at Noel na saktong nakatingin lang sa'kin at parang sinasabing umarte lang ako ng normal.
"B-bakit ko naman kayo mamimiss? Ang mga kakumpetensya hindi dapat namimiss." Pinilit kong umarte ng normal.
"Grabe ka naman, girl. Tatlong pogi tinataboy mo? Shunga lang?" Sabunutan ko kaya 'tong babaeng nakapila na 'to?
"Sam! Dito na lang din kayo sa host club para jackpot na jackpot na kami!" sigaw naman ng isa. Ang haharot.
"Sorry, girls. We need to play fair." sabay kindat naman ni Sam sa kanila. At ang mga babae namang 'to nagsipagpanggap na mga hinimatay. Ang kikire.
Lumapit si Rocky sa'kin na ikinakaba ko. Anong gagawin ko? Mukhang wala pa talaga siyang kamalay malay na alam ko na ang panloloko niya. Umatras ako pero lumapit pa rin siya at nang aakbayan niya na ko ay biglang may humila sa kamay ko na sobrang higpit.
"Back off." Nagulat ako nang marinig ko ang boses na 'yun. Imposible. Hindi ba kanina lang wala na siyang pakialam sa'kin?
"Woah. Chill lang, pinuno." si Rocky na ngingisi ngisi pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/5355344-288-k210806.jpg)
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Ficção AdolescenteI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...