My Romantic Destroyer 65

1.2K 22 1
                                    

LUCAS' POV

Imbis na dumiretso ako sa prinsesa ko, mas pinili kong sundan si Francis dahil alam kong 'yun din ang gusto ni Sophie na gawin ko.

Kilalang kilala na namin si Francis. Ang pinaka kahinaan niya ay ang mawalan ng isang taong pinahahalagahan pa niya ng higit sa sarili niya.

Nagsimula ang kahinaan niyang 'yon nang mamatay ang Papa niya, ang dating King ng Black Royals.

Kahit noong nalaman niya na tinraydor kami ni Rocky, hindi man alam ng iba pero kasama niya kong magpakalulong sa alak noon. Hindi ako uminom dahil alam ko namang hindi na niya kaya ang sarili niya sa oras na matapos siya sa pagmumukmok.

At ngayong may posibilidad na may mawala na naman sa kanya, hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging miserable.

Nasundan ko siya sa rooftop at naabutan ko siyang nagwawala. Gusto ko man siyang lapitan para pakalmahin pero alam kong makakatulong din ang paglalabas niya ng sama ng loob para gumaan kahit papaano ang nararamdaman niya.

Ngayon ko lang siya ulit nakitang umiyak ng ganyan.

Shael, kailangan mong mabuhay dahil kung hindi, baka hindi rin niya kayanin.

Iba talaga ang naging tama niya kay Shael. Pero malaki rin ang pasasalamat ko sa babaeng 'yun dahil ang laki rin ng pinagbago ni Francis.

Bumalik na ko sa lobby nang makita kong kumalma na si Francis. Naabutan ko doon si Ashley, Bea at ang iba pa naming mga kaklase.

"Lucas, kamusta si Francis?" Usisa ni Bea.

"He's fine. We just need to pray for Shael. Naka depende sa kanya kung magiging maayos ang bagong King." Sagot ko. "Nasaan si Joey?"

Pagtatanong ko naman kay Ashley. Kailangan ko ring makausap ang boyfriend niya.

"Umalis na siya. May tumawag sa kanya kaya nagmamadali siyang umalis." Sagot ni Ashley.

"Kamusta ang iba?" Usisa ko naman.

"Okay naman na sila. Yung iba medyo shock pa sa nangyari pero sabi naman ng doktor, konting pahinga lang at magiging maayos din sila," sagot ni Hazel habang tinitignan ang ilang kaklase namin na tulala pa rin.

"Mabuti naman kung ganoon. Hazel, Sandy and Gillian, maasahan ko ba kayo ngayon?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan muna silang tatlo bago sumagot. "Oo naman."

"Ipauubaya ko na sa inyo ang mga kaklase natin. Alam kong kayo ang makakatulong sa kanila. Masasayahin kayong tatlo kaya alam kong mas mapapabilis ang recovery nila." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Kami na ang bahala, Lucas. Yakang yaka namin 'yan!" Masayang sagot ni Sandy.

"H-hindi pa masyadong natatanggap ng utak ko ang mga nangyari pero I'll do my best to help them," nakangiting sagot naman ni Gillian.

"Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo rin naman?" Si Hazel.

"Maraming salamat. Karapatdapat lang talaga kayo na maging bahagi ng Black Royals."

"YES!" At sabay sabay silang nag appir.

"Bea, you can visit Sophie kung gusto mo. Nasa room 226 siya. Magkasama sila ni Rocky sa iisang kwarto kung gusto mo man siyang makausap. Siguro may malay na sila ngayon." Sabi ko kay Bea dahil sigurado akong may gusto rin siyang sabihin kay Rocky.

"Salamat, Lucas. Ipagdadasal ko si Trisha." Pilit siyang ngumiti at lumakad na rin siya papunta sa elevator. Alam kong sinisisi niya rin ang sarili niya sa mga nangyari.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon