My Romantic Destroyer 29

1.3K 20 0
                                    


SHAEL's POV


"YAAAAAAAH!" Sigaw ko pero natigilan ako bigla dahil sa sinabi ng lalake.


"Shael! Ako 'to!"


Ee?


Nang tignan ko ang lalaki, hawak hawak na ni Sophie ang mga kamay niya at sinasakal niya na 'to. Si... si Gab?


"Gab?" Pagtataka ko at gulat na gulat pa rin sa nangyari.


"Ha?" Si Sophie sabay bitaw sa lalaki. "Gab? Ikaw ba talaga yan?"


"Ako 'to no. Ang paparanoid niyo naman." Si Gab na hawak hawak ang leeg niya dahil mukhang nasakal talaga siya ni Sophie.


Si Gab nga.


"Malay ba namin na ikaw pala yan. Mas okay yung nag iingat." Sagot naman ni Sophie.


Binitawan ko na ang hawak hawak kong kahoy.


"Anong ginagawa mo dito, Gab?" Tanong ko. Parang biglang nanlambot at nanlamig ako.


Sumandal sa may bintana si Gab. "Nagtext sa'kin si Wendy. Sinabi niya na nandito kayo at kung pwede raw samahan ko kayo para makasigurado siyang safe kayong dalawa."


Kami pa rin talaga ang inaalala ni Wendy. Naglakas ng loob siyang makiusap sa lalaking parang nanlalamig na sa kanya.


"Hooo!" Si Sophie na pinunasan ang pawis na tumulo sa noo niya dahil sa kabang naramdaman niya. "Pinakaba mo kami, Gab. Alam mo namang may naninira ng mga materials, diba? Sana nagtext ka muna sa'min."


"Sorry naman. Nawala sa loob ko e."


"Gab, may problema ba kayo ni Wendy?" Pag uusisa ko. Siya na ang tinanong ko dahil sigurado akong hindi magsasalita si Wendy.


Hindi ako sinagot ni Gab. Dahan dahan siyang umupo sa sahig at yumuko. "A-ayokong mawala si Wendy."


Nagkatinginan kami ni Sophie. Anong pinagsasabi niya?


"Gab, anong ibig mong sabihin? Bakit naman mawawala si Wendy? Saan siya pupunta?" Tanong ni Sophie.


Mangiyak ngiyak na si Gab. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero may gusto akong sabihin sa kanya.


"Gab, hindi ko man maintindihan yung mga pinagsasabi mo ngayon, isa lang ang alam ko. Sabihin na nating mawawala siya, at kung mawawala man siya, diba, dapat imbis na iwasan mo siya, imbis na nagiging malamig ka sa kanya, dapat iparamdam mo na sa kanya kung gaano mo siya kamahal? Kasi nga hindi natin hawak ang future, diba?" Napatingin siya sa'kin nang sabihin ko 'to.

  

May kailangan ipaliwanag sa amin si Wendy.


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon