EPILOGUE
SHAEL's POV
"Ash! Ready na ba si Shael?" Natatarantang tanong ni Sophie nang balikan niya kami dito sa napakalaking kwartong 'to.
Natawa si Ash. "Huminahon ka nga, Sophia Grace. Maaga pa. Tsaka kailangan kong siguraduhin na si Shael ang pinakamagandang babae mamaya." Sabi pa niya dahilan para mag init ang pisngi ko.
Tinignan ko si Sophie. Stress na stress na siya dahil sa pag aasikaso ng napakagarbong party na 'to. Siya kasi ang event organizer.
Ay, hindi lang pala basta party, coronation ceremony pala ang tawag dito.
"Oh my gosh." Mula sa salamin ay nakita kong napaupo sa sofa si Sophie dahil sa sobrang pagod. "Ayoko nang maging event organizer. Maloloka ako. Mukhang wala akong mukhang ihaharap sa mga guest mamaya dahil sa haggard look ko."
Muling natawa si Ash. Nilalagyan niya ng curler ang dulo ng buhok ko. "Don't worry. Ako na rin ang bahala sa'yo. Kahit gaano ka pa kahaggard, mapapaganda kita."
"Sophie, I'm sure naman na ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para kay Lucas," biro ko naman.
"Nako, isa pa 'yung lalaking 'yon. Siya dapat ang event organizer at ako dapat ang nag aasikaso ng mga pagkain. Dinaan niya ko sa lambing kaya napilitan akong makipagpalit sa kanya!" Inis na inis na sabi naman niya.
Ang cute talaga ni Sophie kapag nababanggit si Lucas.
Nasa mansion kami ng Royal family. Pati ang buong pamilya ko nandito at sa mga oras na 'to ay magkausap ang mga magulang ko at ang former Queen.
"Excited ka na ba, Shael?" Usisa naman ni Ashley pagkatapos niyang lagyan ng curler ang buhok ko.
Napahinga ako ng malalim. "Sa totoo lang, sobrang kinakabahan ako. Ngayon lang ako makakaattend ng ganitong klaseng party. Tapos hindi ko pa kilala yung mga guest and the most important thing is ako ang center of attention."
Lumapit sa amin si Sophie. "Relax ka lang, Shael. Dapat taas noo ka lang lagi kasi yun dapat ang maging image mo para makilala ka ng lahat."
"Natatandaan mo naman yung mga tinuro namin sa'yo, diba?" Tanong naman ni Ashley habang kinakatikot niya ang make up kit niya.
"The right posture, always smile, be humble, the right words to say and the most important thing is be myself." Nakangiti kong sagot sa kanila.
"The cheerful part of yours, my dear friend," dagdag naman ni Sophie nang ngitian niya ko sa salamin.
Muling bumalik sa sofa si Sophie at parang may binabasa siyang mga papel. Bigla akong may naalala.
"Sophie, naimbitahan mo ba siya?" Usisa ko habang nilalagyan na ko ni Ashley ng kung ano anong kolorete sa mukha.
"Oo, Shael. Ako pa mismo ang nagbigay sa kanya. Pero nasa sa kanya pa rin ang desisyon kung pupunta siya o hindi." Sagot naman niya.
"It must be so hard for her para mapatawad ang sarili niya. Naiintindihan ko siya," sabi naman ni Ash.
Sana pumunta siya. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanya na okay na ang lahat. Na wala na dapat siyang ikatakot at hindi na niya kailangan pang sisihin ang sarili niya dahil sa mga nangyari.
At ang pinaka importante sa lahat, may isang taong umaasang magkakausap silang muli.
Nakasuot ako ng bath rob at kakatapos lang akong ayusan ni Ashley. Nakaayos ang buhok ko na parang isang prinsesa. Medyo makapal ang make up ko sa mata yung parang pang artista talaga? Kaya parang hindi ko makilala ang sarili ko sa salamin.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Roman pour AdolescentsI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...