My Romantic Destroyer 41

1K 17 2
                                    

SHAEL's POV

Pagkaalis niya, kaagad na rin akong pumasok sa loob.

"Ma, nandito na po a—" Sobrang bilis ng pangyayari. Isang malakas na sampal ang natanggap ko.

Pinagbuhatan ako ng kamay ng sarili kong ama sa unang pagkakataon.

"Pa!" sigaw ni Mama at kaagad siyang lumapit sa'kin. "Bakit mo sinaktan ang anak mo?"

"Wala ka na ba talagang kahihiyan, Elizabeth? Ha? Ang lakas ng loob mong sumama sa lalaking 'yon at talagang doon ka pa natulog sa lugar ng mga kagaya niya. Talaga bang hindi mo na kami susundin ng Mama mo?" Galit na galit na sabi ni Papa.

Hindi ko akalaing magagawa akong saktan ng sarili kong ama.  Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi naman niya ko kailangan pang pagbuhatan ng kamay para maintindihan kung ano yung ginawa ko.

"Pa, paano ko kayo susundin kung hindi niyo naman ipapaintindi sa akin kung bakit ganoon na lang ang galit niyo sa mga katulad ni Light?"

"Hindi mo naiintindihan? Akala ko ba matalino ka? Ha, Elizabeth? Mga gangster sila. Mga basagulero! Delikado ang mga kagaya nila! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?"

"Kayo! Kayo ang hindi ko maintindihan! Hindi niyo pa kilala si Light pero sobra na kayo kung makahusga sa kanya. Hindi sila kagaya ng iniisip niyo, Papa. Kung kasama ko lang kayo kagabi, baka umuwi na lang kayo sa kahihiyan dahil mali ang pagtingin niyo sa mga kagaya nila. Iba sila Light, Pa.  Iba sila!"

Sasampalin dapat ulit ako ni Papa pero napigilan siya ni Mama.

"A-ano bang nangyayari sa pamilyang 'to?" Naiiyak na sabi ni Mama.

"Pagsabihan mo 'yang anak mo ha? Natuto nang sumagot sagot sa'kin." Giit pa ni Papa.

Pinunasan ko ang pisngi ko. "Pa, hindi na kita kilala." Sabi ko dahilan para ikagulat niya.

"H-hindi na ikaw yung Papa na nakilala ko. Yung Papa na inalagaan at pinalaki ako. Yung Papa na gagawin ang lahat huwag lang akong masaktan. Ibang iba ka na, Papa. Hindi na kita kilala." Kaagad akong umakyat sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin sila Mama kahit na tinatawag pa nila ako.

Inayos ko lang ang mga gamit na nasa dala dala kong paper bag at kinuha ko lang ang wallet at cellphone ko. Bumaba na ulit ako at naabutan ko pa rin na nasa sala sila Mama.

"Saan ka pupunta, anak?" usisa ni Mama. Tinignan lang ako nang masama ni Papa.

"Pupunta akong ospital. Bibisitahin ko si Wendy. Baka pati pagbisita ko sa kaibigan ko hindi na rin pwede?" Pagmamatigas ko.

"Aba! Talaga namang!" Uminit na naman ang ulo ni Papa.

"Huwag ho kayong mag alala dahil kayo ang pinipili ko." Pareho silang natigilan. "Kaya sana hayaan niyo muna akong makasama muna si Light. Gusto kong magpaalam sa kanya ng maayos."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Umalis na kaagad ako at humanap ng masasakyan papuntang ospital.

Hindi ko mapigilang umiyak habang nasa byahe ako. Ang hirap hirap magsakripisyo pero wala na kong choice. Hindi maaayos ang problemang 'to kung hindi ako magdedesisyon.

Pagdating ko ng ospital, naabutan ko sa kwarto ni Wendy si Sophie. Nakaupo siya sa tabi ni Wendy.

"Hello, Shael." Masiglang bati niya sa'kin pagkapasok  na pagkapasok ko.

Isinara ko muna ang pinto bago siya lapitan. "Hi, Sophie."

"Okay ka lang ba? Bakit parang namamaga yung mga mata mo? Tapos ano 'yan? Pasa ba yan?" Usisa pa niya nang mapansin niya ang pasa sa pisngi ko.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon