A/N: Gabriel at the multimedia.
GAB's POV
"Lucas, wala ka bang ibang alam kung hindi ang kumain?" Tanong ko sa kasabay ko.
Naglalakad na kami ngayon papuntang school at mukhang hindi nabusog sa agahan niya 'tong kasama ko. Himala nga at hindi siya tumataba e.
"E sa nagugutom ako e. Yung katulong namin tinanghali ng gising kaya hotdog lang nakain ko." Inis pa niyang sagot.
"Ang takaw mo talaga."
Nang nasa may bakanteng lote na kami, napansin ko yung tatlong lalaking nakatambay doon at nakangisi habang nakatingin sa amin.
Mukhang mga estudyante lang din sila dahil sa suot nilang uniporme. Ngayon ko lang sila nakita. Hindi sila pamilyar sa'kin e.
Napahinto ako sa paglalakad.
"Oy? Anong nangyari sa'yo? Sinong tinitignan mo diyan?" Tanong ni Lucas. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa tatlong lalaking 'yon. Iba kasi ang pakiramdam ko sa kanila.
"Tignan mo yung tatlong lalaking 'yon. Kanina pa nakangisi sa'tin." Hindi ko inaalis ang tingin sa tatlong lalaki. Mukhang may binabalak silang hindi maganda.
"Ha? Yun ba? Hayaan mo na 'yon, pare. Nangako ka na kay Pinuno na hindi ka na makikipag away, diba? Huwag mong sasabihing papatulan mo pa yan?"
Oo. Nangako na ko kay Francis na hindi na ko makikipag-away dahil sa dalawang dahilan.
Una, ako ang nagsisilbing pangalawang pinuno ng grupo at ang huli, dahil kay Wendy. Gusto kong magbago para sa kanya. Kung payagan man niya kong ligawan ko siya at maging kami, gusto kong matanggap din ako ng pamilya niya. Gusto kong mabura ang image ko bilang isang WAR FREAK. Oh, diba? Kahit mga lalaki advance na mag-isip. HAHAHA.
"Hindi naman ako makikipag away. Gusto ko lang malaman ang dahilan at kung makatingin sila sa atin daig pa mga naka marijuana." After kong masabi 'to nakita kong papalapit na sa amin ang tatlong lalaki.
"Pare, papunta na sila dito. Ayoko pang makipag away. Masyado pang maaga." Si Lucas na nagtago na sa likuran ko. Hindi ko alam kung duwag ba 'to o may problema na sa pagkalalaki niya e.
"Mga taga-Angelic Academy kayo, diba?" Tanong ng isa sa tatlong lalaki. Mukhang siya ata yung leader.
"Obvious ba sa uniform namin?" Tignan mo 'tong si Lucas. Ayaw daw makipag-away pero ang lakas ng loob sumagot.
"Aba... Matapang ka a?" Sabi naman noong pangalawa na muntik nang lapitan si Lucas pero hinarang ko siya.
"Don't you dare touch him." Banta ko.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Genç KurguI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...