My Romantic Destroyer 5

2.1K 31 3
                                    

TRISHA's POV


Inabot ko sa kanya 'yung lukot na papel. Nasa bulsa ko pa kasi 'yun. Hindi ko pa natatapon.


Nakita ko ang reaksyon niya noong nakita niya ang nakasulat sa papel.


"Francis, 'yan ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka? Don't be so OA, ok? Wala lang silang magawa kaya pinagtitripan nila ko. Hindi naman ako naaapektuhan."


"Trisha, hindi lang 'to basta-basta trip lang. It's a threat."


"Threat? You mean, parang death threat?" Paniniguro ko.


"Hindi. Hindi sa ganoon. It's a threat of war."


Hala? Teka. Nasa isang taping ba ko ng pelikula? Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni Francis?


"Huwag mo nga kong lokohin, Francis Light Rivero. Wala akong oras para makipagbiruan sa'yo. Dadating na si Ma'am."


"Mukha ba kong nagloloko? Marami ka pang hindi alam sa eskwelahan na 'to at sa mga taong nandito. Kung ayaw mong maniwala sa mga sasabihin ko, pwede bang makinig ka na lang?"


Napatulala na lang ako.


Ano ba talagang nangyayari? Bakit nagkakaganito sila Francis? Ano bang meron sa eskwelahan na 'to? Sa kanila?


"Uulitin ko, you are not safe here. Lahat ng estudyante na hindi kabilang sa section natin ay hinding hindi mo mapagkakatiwalaan."


"Alam ko! Even the ones who belong in this section! Hinding hindi kayo mapagkakatiwalaan. You are all just pretending to be nice and good para lang magpakitang tao."


"Mabuti naman at alam mo yan."


"A-anong sinabi mo?"


"Mas maganda nang wala kang tiwala sa lahat ng taong nandito at least mas safe ka sa ganoong paraan. But, I'm warning you. Dahil ikaw na rin naman ang nagsabi na wala na tayong oras, kung gusto mong malaman ang lahat, pumunta ka sa headquarters namin mamaya. 5pm."


"What's the point-"


"Maghihintay ako."


Hindi na ko nakapagsalita. Sakto kasing bumukas ang pinto at pumasok si Ma'am.


"Francis, ano na naman bang kalokohan 'to?" Inilapag ni Ma'am ang mga gamit niya sa table.


"Aaaa... Wala, Ma'am. Nag usap lang kami ni Trisha. Alam niyo na, ma'am. Getting to know each other stage," sagot ni Francis tsaka siya tumawa.


Wow ha. Biglang nagbago ang mood niya. Parang kanina lang masyado siyang seryoso.


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon