A/N: Wendy at the multimedia.
FRANCIS' POV
Humiga ako sa tabi niya. Napakapit siya sa suot kong t-shirt siguro dahil ayaw niyang masyadong mapalapit sa'kin.
Niyakap ko siya at hindi ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa. Kasi naman siya e. Kanina pa niya ko hindi kinakausap.
Alam ko namang may kasalanan ako. Kinausap ko yung ex ko nang wala niyang permiso. Masisisi niyo ba ko? Pinagmalaki ko lang naman kay Bea na masayang masaya ko sa relationship naming dalawa.
Yun nga lang, hindi alam ni Shael na yun ang pinag usapan namin kaya siya nagagalit.
"Shael, galit ka ba sa'kin?" Tanong ko habang yakap yakap ko siya.
Hindi siya sumasagot.
"Galit ka ba kasi kinausap ko si Bea?"
Napahigpit yung hawak niya sa'kin. Sigurado akong nasaktan ko siya ng sobra.
"Alam mo ba kung bakit kami nag usap? Kasi tinatanong niya kung kamusta na raw yung relationship natin. Alam mo kung anong sinabi ko sa kanya? Sinabi ko na hinding hindi ko pinagsisisihan na naging tayo. Na masayang masaya ko sa girlfriend ko."
Naramdaman kong niyakap na rin niya ko.
"Kung nakita mo man akong nakangiti habang kausap ko siya, hindi yun dahil sa kanya, kundi dahil ikaw ang kinukwento ko sa kanya. Ikaw ang happiness ko." Dagdag ko.
Oy. Hindi labas sa ilong yung sinabi ko a. Totoo yun.
"Kung ganoon, ikwento mo sa'kin ang naging alitan niyo ni Rocky." Sabi niya.
Haaay. Mukhang kailangan ko na naman balikan ang nangyari noon. Ayokong magalit pa sa'kin si Shael kaya ikekwento ko na.
"Bago maging kami ni Bea, nalaman ko na may gusto rin pala sa kanya si Rocky. Nalaman ni Rocky na kami na ni Bea kaya sinugod niya ko. Bakit daw mas pinili ko pa si Bea kesa sa pagkakaibigan namin. Ilang linggo rin kaming hindi nag uusap ni Rocky. Hindi na rin siya sumasama sa grupo simula noon.
Nanghihinayang man ako, hinayaan ko na lang siya. Isang araw, dumating siya sa headquarters at humingi siya ng tawad sa'kin. Sorry daw kasi naging makitid ang utak niya. Nagtataka man ako sa biglaan niyang pagbabalik, tinanggap ko ulit siya dahil na rin sa kagustuhan kong mabuo ulit kami."
"Si Bea pa rin pala ang puno't dulo ng alitan niyo."
"Hmm. Ganoon na nga siguro."
"Light."
"Hmm?"
"Kapag ba bumalik ka na kay Bea, magiging masaya ka ba sa kanya?"
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
