SHAEL's POV
5 days after the incident...
Kakauwi ko lang galing eskwelahan nang madatnan kong sarado ang bahay. Hindi naman ako nasabihan nila Mama na aalis sila kaya sinadya kong hindi dalhin ang kopya ng susi.
Tinawagan ko si Mama at kaagad naman niya 'tong sinagot. Hindi ako sigurado pero parang umiiyak si Mama. Tinanong ko kung may nangyari ba pero sinabi niya lang na okay lang siya at huwag ko siyang intindihin. Pinapapunta niya ako sa isang restaurant. Nandoon daw sila ni Papa at naghihintay sa'kin.
Tinignan ko ang tatlong lalaking nakasunod sa akin. Sila ang mga pinadala ni Light para bantayan ako magdamag. Sinabi ko sa kanila kung saan ako pupunta para wala na silang itatanong pa sa'kin. Sila na rin ang naghanap ng taxi na masasakyan ko. Dalawang taxi ang kinuha nila. Ako doon sa isa at silang tatlo naman sa pangalawa. Nakasunod sila sa akin hanggang sa restaurant.
Hindi ko na sila pinapasok dahil baka lalo lang magalit sa'kin ang Papa ko. Kaagad kong nilapitan sila Mama at Papa nang makita ko sila. Nakakapagtaka dahil hindi sila nag uusap. Tahimik lang sila pareho. Mga walang kibo.
"Ma, Pa." Napatingin sila pareho sa'kin. "May problema po ba?"
"Anak, halika. Umupo ka dito sa tabi ni Mama." Yaya sa'kin ni Mama na kaagad kong ginawa.
Nang tignan ko si Papa, parang hindi na siya yung kilala kong ama ko. Yung malambing at mabait. Yung lalaking nasa harapan ko ngayon, katulad na siya ng kinamumuhian kong Lola.
Tinignan ko si Mama. "Ma, may problema po ba? May nangyari bang hindi maganda?"
"Trisha Elizabeth, gusto kong magsabi ka ng totoo. Kilala mo na ba talaga ng lubusan ang lalaking karelasyon mo?" Nagulat na lang ako sa biglaang tanong ni Papa.
"Ho?"
"Bago mo ba sagutin 'yang lalaking 'yan ay kinilala mo muna siyang mabuti?" Muling tanong niya. Iba na ang tono ng pagsasalita niya.
"Pa, ano bang gusto niyong sabihin? Kahit ano pa ho ang nakaraan ni Light, tanggap ko 'yun kasi nga mahal ko siya. Mahal ko siya, Papa. May mali ba do'n?"
"Anak, ang boses mo." Sita naman sa'kin ni Mama nang hawakan niya ang mga nanlalamig kong kamay.
"Kung 'yan ang paninindigan mo, pwes, ibahin mo ako. Ako ang ama mo at ang gusto ko, hiwalayan mo na 'yang lalaking kinababaliwan mo." Sabi ni Papa na may halong galit.
Ang ibig bang sabihin nito ay alam na rin niya ang totoong pagkatao ni Light? Pero paano? Sino ang nagsabi sa kanya? At bakit ganoon na lang ang galit niya kay Light?
"Pa, mahal ko po si Light. Hindi ho ganoon kadali ang sinasabi niyo." Nanginginig kong sabi.
"Mamili ka sa aming dalawa, Elizabeth. Ako o ang delikadong lalaking 'yan." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang tawagin ako ni Papa sa pangalan kong Elizabeth. Ang ibig sabihin nito ay talagang galit na siya at seryoso siya sa bagay na 'to.
Pinapipili niya ko sa kanilang dalawa? Bakit kailangan dumating sa puntong 'to?
"Pa, hindi po delikado si Light." Alam kong kahit anong sabihin ko, hindi ko na mababago ang takbo ng pag iisip ngayon ng Papa ko.
"Ma, nakita niyo naman kung paano ako alagaan ni Light, diba?" sabi ko naman kay Mama pero kahit sa kanya ay malinaw na wala kaming laban.
"At paano ka naman nakakasiguradong hindi siya delikado? Ilang buwan pa nga lang kayong magkakilala. Hindi mo pa alam kung ano o hanggang saan ang pwede niyang magawa. Isa siyang basagulero. Walang ibang alam kundi ang makipag basag ulo." Dagdag pa ni Papa.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Roman pour AdolescentsI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
