A/N: Sandy of Gossip sisters at the multimedia.
SHAEL's POV
Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin nasisimulan ang paghahanap sa mga sagot na kailangan ko para matapos na ang lahat ng 'to.
Alam ko na kapag nahanap ko na ang mga sagot na yun, maraming posibleng magbago. Maraming pwedeng mawala. Pero yun lang ang tanging paraan para mawala na ang problema ko.
"Wendy. Sophie." Tawag ko sa kanila.
Nasa gym kami ngayon. Naglalaro ulit sila Light ng basketball. Pinaglaro lang namin sila nung isang araw, mukhang nagustuhan naman nila. Nakaupo naman kami sa bleachers.
"Oh?" Sagot naman nilang dalawa.
"Kapag ba naghiwalay na kami ni Light, mapuputol na rin ba ang pagkakaibigan natin?" Hindi ko alam pero bigla ko na lang tinanong 'to sa kanila.
Ayokong magkalayo kami nila Wendy. Sila na nga lang ang pinagkakatiwalaan ko e.
"Shael..." Mukhang nagulat si Wendy sa tanong ko.
"Bakit, Shael? May problema ba kayo?" Tanong naman ni Sophie.
Umiling ako. "Wala naman. Pero alam naman nating lahat na dadating din tayo sa point na 'yon."
"Shael naman." Tinignan ko si Wendy. Pinag alala ko na naman siya.
Tumayo ako at binitbit ang bag ko.
"Pakisabi na lang kay Light na nauna na ko."
"Shael, teka lang. Bawal kang umuwi mag isa. Magagalit sa'min si Francis. Delikado na." Sabi naman ni Sophie.
Simula noong matanggap ko yung picture na naging dahilan para malaman namin na may traydor sa grupo, hindi na naman nila ko hinahayaang mag isa.
"Sophie, kahit naman kasama ko kayong lahat, delikado pa rin. Nakalimutan niyo na ba? May traydor sa grupo na 'to."
Natahimik sila sa sinabi ko.
"Aalis na ko."
Lumabas na ko ng gym. Naririnig ko ang tawag sa'kin ni Wendy pero hindi ko siya pinansin.
Kakalabas ko lang ng gate at habang naglalakad ako, may biglang humintong itim na sasakyan sa harap ko. Sino kaya 'to?
May dalawang lalaking bumaba mula dito. Nakaformal suit sila at mukhang kilala ko na kung sino sila.
"Ikaw ba si Trisha Elizabeth Ramos?" Tanong ng isa sa kanila.
"Anong kailangan niyo sa'kin?"
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
