A/N: Ang cute na pagpigil ng tawa ni Francis Light at the multimedia.
TRISHA's POV
Simula kaninang umaga, nang sunduin ako ni Francis... este ni Light sa bahay, hindi na siya lumayo sa'kin. Simula sa bahay hanggang makapasok kami sa classroom, hindi niya binibitawan ang kamay ko. Inusod pa niya yung upuan niya sa tabi ko tsaka siya yumuko at natulog.
"Shael, ano bang nangyari kahapon at mukhang ang sweet sweet niyo ng pinsan ko?" Pang aasar pa ni Wendy after ng second subject namin.
"Hindi ko rin alam, Wendy. Ano bang breakfast niyo?" Tanong ko naman.
"Shael naman!" Hahaha! Ang cute niyang asarin.
"Nakapag usap na kayo no?" Si Sophie nang lapitan niya kami.
Tumango ako. Hindi ko alam pero pinipigilan kong ngumiti. Ano ba 'to? Dinedeny ko na naman ba ang nararamdaman ko?
"Really? Edi okay na kayo?" Tanong naman ni Wendy.
"I... think so? Ayoko nang i-open yung topic na 'yun. May tamang oras para doon." Sagot ko.
"Alam mo, Shael. Mas maganda ka kay Bea kapag nag ayos ka at tinanggal mo yung salamin mo." Sabi naman ni Sophie.
"Mas gusto kong may salamin siya." Nagulat na lang kaming tatlo nang magsalita si Light kaya napatingin kami sa kanya.
"Sweetness is in the air." Pang aasar pa ni Wendy.
Pero imbis na kiligin, isa lang ang pumasok sa isip ko. Nakasalamin din kaya si Odette? Pangit din kaya siya katulad ko? Sinabi rin kaya ni Fra... ni Light na mas gusto niya na may salamin siya? Malabing din kaya siya kay Odette? Gusto kong itanong ang lahat ng 'to kila Wendy pero baka hindi rin nila sabihin sa'kin.
"Shael!"
Nagulat na lang ako nang sigawan ako ni Sophie.
"B-bakit?" Tanong ko.
"Kanina ka pa kasi tulala dyan." Sagot naman ni Wendy.
"Aa... ee... Hehehe. Pasensya na." Mag iisip pa sana ako ng dahilan kaya lang dumating na rin ung next teacher namin kaya bumalik na rin kaagad si Sophie sa pwesto niya.
Tinignan ko si Light. Akala ko natutulog na naman siya pero hindi. Nakatingin lang siya sa'kin na parang lasing. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng lalaking 'to. Minsan malamig, ngayon naman sobrang lambing.
Pagdating ng lunch break, sinabi ko kila Wendy na hindi muna ko maglalunch dahil parang mas gusto ko na lang pumuntang Library. Alam kong papayagan nila ako dahil alam naman ng lahat na mahigpit ang bantay sa lugar na 'yon sa mga oras na 'to. Yun nga lang, pinilit nila ko na magpahatid na sa Library. Pumayag na rin ako para pumayag din sila.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
TeenfikceI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
