My Romantic Destroyer 1

5.3K 59 5
                                    



TRISHA's POV


"OK, class. Quiet please. May bago kayong classmate. Nahuli lang siyang mag-enroll kaya nalate siyang pumasok. At 'yun din ang dahilan kung bakit napunta siya sa last section na 'to kaya umayos kayo," sabi ng teacher na nagdala sa'kin sa classroom na 'to.


Kahit sinabi na ng teacher na tumahimik sila, hindi pa rin sila tumatahimik. Ang gulo nila. 


"Pagpasensyahan mo na sila. Sige na. Magpakilala ka na," nakangiting sabi pa niya sa'kin.


Paano ako magpapakilala? E ang iingay nilang lahat. Bahala na nga. Pasalamat sila mukhang mabait yung teacher na 'to. Sorry. Hindi ko pa kasi kilala si Ma'am e. Hahaha.


"A-ano. Ako nga pala s-si Trisha Elizabeth Ramos."


Wow. Bigla silang tumahimik. Anong meroon? Nagpakilala lang naman ako.


"Oyyyy. May bago pala tayong classmate," sabi ng isang lalake na mukhang walang matinong ginagawa sa buhay.


"Oo nga no at nerd pa ha. Hahaha. Hindi ka bagay dito oy!" sabi naman ng isa pang lalake na katabi ng unang nagsalita.


What duuh? Akala niyo ba gusto ko sa section niyo?! Psh!


"Oy oy. Umayos nga kayo. Hindi kasi kayo nakikinig. Kanina ko pa sinasabi na kaya siya nandito kasi nalate siya mag-enroll." Buti naman at natitiis ni Ma'am ang klaseng to.


"Aa.... OK, ma'am. Hahaha! Welcome, nerd!" sigaw naman ng mukhang gangster na lalake.


"Tumigil nga kayo. Hindi ganyan ang tamang pagtrato sa bagong kaklase." Wow! Nagka knight and shinning armor ako ng wala sa oras. Hahaha. Mukhang matino naman yung babaeng nagsabi no'n. 


"Oo na, Class captain! Hahaha!" sagot ng gangster.


Ow? Class captain pala siya.


"Trisha, right?"


Ako ba yung tinatanong niya?


"O-oo. Trisha Elizabeth Ramos."


"Nice name. Here. Sit here," tapos tinuro niya yung bakanteng upuan sa tabi niya. Nasa likuran siya nakaupo. Siguro dahil na rin sa height niya. She's too tall for her age. Para siyang modelo.


"Hoy. Ms. Class captain! Bakit dyan mo siya papaupuin sa tabi ni Pinuno?" nagsalita na naman 'yung lalaking mukhang hindi gagawa ng matino.


Pinuno? Sino? Yung natutulog na lalaking 'yon?


"So, saan niyo siya gustong paupuin? Sa labas? She will sit here. Sa ayaw niyo man o sa gusto."


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon