My Romantic Destroyer 34

1.2K 17 4
                                    

A/N: Ashley Smith at the multimedia.


SHAEL's POV


"Ako ang dating Reyna ng Angelic Academy, Trisha. Ako ang dapat ang Reyna at hindi si Beatriz."


Ano daw? Siya ang dating Reyna ng school?


"Anong ibig mong sabihin, Ash?" usisa ko.


"Trisha, ako ang dating sikat sa school. Ako ang laging nagtatop sa school. Ako ang school's role model. I'm a former Student Council Officer. Ako ang kaibigan ng lahat. Kagaya nga ng sinabi ko, I'm the Angelic Queen." paliwanag niya. Yung mga mata niya punong puno ng galit at pagkamuhi.


Kung siya nga talaga ang Angelic Queen dati, bakit napunta kay Bea ang lahat ng atensyon? Habang siya, parang nakalimutan na siya ng lahat.


"A-anong nangyari? Bakit nawala sa'yo ang lahat?"


"Dahil inagaw sa'kin lahat ni Bea. Nilamon siya ng inggit kaya ginawa niya ang lahat para siraan ako. Kahit ang pinakaiingatan kong relasyon, sinira niya."


Kahit medyo madilim na at isang poste na lang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa playground, kitang kita ko pa rin na may namumuong luha na sa mga mata ni Ashley.


"N-nakita ko siyang kahalikan ang boyfriend ko. N-nakita ng dalawang mata ko kung paano niya ko traydurin. H-hindi ko alam kung bakit ginawa niya sa'kin 'yon. N-naging mabuti akong kaibigan kay Bea. Tinulungan ko pa nga siyang magkaroon ng mga kaibigan e. Pero nagpadala siya sa inggit." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Ashley. 


Ibang klase talaga si Bea. Kapag ginusto niya, talagang papatunayan niya na kaya niya 'tong makuha sa kahit anong paraan.


Pinunasan niya ang pisngi niya gamit ang kanyang mga kamay. "Ahas siya. Hindi na ko magtataka kung bakit siya hiniwalayan ni Francis. Hinalikan niya ang boyfriend ko kahit sila pa. Gagawin niya ang lahat mahila lang ako pababa. Pinalabas niya na pinilit siyang halikan ng boyfriend ko. Pinalabas niya na ang boyfriend ko ang may kasalanan. Pinagkalat niya na binabayaran ko ang mga teachers namin para ibigay sa'kin ang mga sagot sa exams. Sinabi niya sa lahat na nandaya ako sa botohan."


Hinalikan ni Bea ang boyfriend niya kahit sila pa? Bakit parang alam ko na ang kwentong 'to?


Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi galit. Punong puno siya ng galit.


Tumingin siya sa'kin. "Trisha, gagawin ko ang lahat para mabawi sa kanya ang dapat ay para sa'kin. Ibabalik ko si Bea kung saan siya nararapat."


Nakahanap na naman ba ako ng bagong kakampi?


"Dahil sa kanya, pinandirihan ako ng lahat. Kahit ang boyfriend ko, nasira ang pangalan dahil sa kanya. Ang tingin ng lahat sa boyfriend ko, flirt at sulutero." dagdag pa niya.


"Ano nang nangyari sa inyo ng boyfriend mo? Nasaan na siya?" pagtatanong ko.


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon