My Romantic Destroyer 62

1K 21 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Pinuno! Pinuno! N-nandyan na po ang mga hinihintay niyo! K-kumpleto sila!" Humahangos na sabi ng isa sa mga tauhan ni Brent.

Dahil sa balitang 'yon ay naalarma sila Brent, Monette at Rupert.

"A-ang mga iba mo pang kasamahan? Anong ginagawa nila? Lumabalan ba sila?" Usisa ni Brent.

"Opo, pinuno. Pero karamihan sa kanila ay bugbog sarado na. Masyadong malakas ang mga knight nila lalong lalo na ang mga prinsipe."

"This is what you've been waiting for, Brent." Sabi naman ni Monette na nakaupo lang sa isang kahoy na upuan at parang natutuwa pa sa mga nangyayari.

"Ako mismo ang gugulpi sa pagmumukha ng lalaking 'yon," nanggigigil na sabi naman ni Brent.

Si Rupert naman ay tumawag ng isang tauhan.

"Nahuli niyo na ba ang Crystal Violet Princess?" Bulong niya dito.

"Oho. Nasa storage room po siya at binabantayan ni Kapitan."

"Mabuti. Sabihin mo na ihanda na siya dahil nandito na ang pinakahihintay na panauhin."

"Masusunod po." At mabilis na umalis ang tauhan.

"Nasaan na ang babaeng 'yon? Huwag nilang sabihin na nakatakas si Trisha?" Iritableng sabi naman ni Monette habang nakatingin sa mga kaklase nila Shael na kasalukuyang nakatali na naman.

"Huwag kang mag alala, Monette. Nasa atin na ang huling baraha." Nakangising tugon ni Rupert.

Ilang sandali lang at narinig na nilang bumukas ang bakal na pinto. Tumayo si Monette at lumapit sa tabi ni Brent. Si Rupert naman ay nanatili sa tabi ng dalawa.

Maging ang mga tauhan nila na nakakalat ay handang handa na ring makipaglaban.

Pero parang nagtaka sila nang isang Francis Light Rivero at ilang mga knight lamang ang dumating.

"Francis!" Sigaw ng kanyang mga kaklase.

"Sa wakas, nandito ka na!"

"Tulungan mo kami!"

"Shut up!" Sigaw naman sa kanila ni Monette.

Nagtataka si Francis kung bakit wala sa lugar na 'yon sila Shael at ilan pa sa mga kaibigan niya pero hindi niya 'to pinahalata.

Halos umalingawngaw ang napakalakas na halakhak ni Brent sa buong pabrika.

"P-pasensya na sa pagtawa ko, KING Francis. W-welcome. Pasensya na kung hindi kita pormal na nabati. Nakakapagtaka dahil ikaw at ilang tauhan mo lang ang nakikita ko. Naduwag na ba ang ilan mong prinsipe at mga tauhan kaya kayo na lang ang natitira? O halos maubos na kayo dahil sa sobrang lakas ng mga tauhan ko?" Pang aasar pa ni Brent.

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin, Brent. Pero gusto ko lang linawin sa'yo na hindi tauhan ang tawag sa kanila. Sila ay mga KNIGHT." Kalmadong sagot ni Francis.

"Ow. Patawad, mahal na HARI." Muling humalakhak si Brent. "Pero nakakatuwang isipin na ang isang Francis Light Rivero ay matapang na ngayong humaharap sa'min. Hindi ba dati ay para kang isang kawawang usa na hindi alam ang kanyang gagawin?"

Napangisi si Francis. "They say, before you start a war, you better know what you're fighting for. Ibang klase talaga kayo no? Sa sobrang duwag at hina niyo, nagawa niyong magpagamit kay Rupert."

"Shut up, Francis. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitulong sa amin ni Rupert." Pagtatanggol ni Monette.

"Kaya ba nagawa mong ipabalita sa ibang bansa na patay na ang kakambal mo? Kababae mong tao, nagawa mo 'yon?"

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon