My Romantic Destroyer 54

1K 22 6
                                    

Dedication: I dedicated this chapter to @aishijimaerit because of her continuous votes on the previous chapters. Salamat sa support! :) Much appreciated. God speed.

ROCKY's POV

Para akong timang habang nagdadrive. Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko naman yun first kiss pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi kaya ginayuma na ko ng babaeng 'yon?

Pagkauwi ko ay naligo kaagad ako. Pakiramdam ko ang daming nangyari sa araw na 'to kahit ang ginawa ko lang naman sa klase ay ang matulog. Pagkabihis ko ay biglang nagring ang phone ko. Pangalan ni Elizabeth ang nasa screen kaya hindi na ko nagdalawang isip pang sagutin 'to.

"Stephen," pagtawag niya sa'kin mula sa kabilang linya.

"Hey. Where are you? Bakit mo ko iniwan? You're with him, right?" Siguro ganito na talaga ko. Dire diretso kung magtanong.

"S-sorry. Babalikan dapat kita kaya lang pinilit ako ni Light na sumama sa kanya."

"It's okay as long na okay ka. Just be careful. Wala naman sigurong nakakita sa inyo na magkasama, diba?" Ay shit. May nakakita nga pala sa kanila. Yung babaeng ninakawan ako ng halik.

"W-wala naman siguro. Nasa loob pa ng school sila Bea that time."

"A-are you okay?" Usisa ko dahil parang kakaiba ang tono ng boses niya.

"Stephen, h-hindi ko siya kayang layuan. I love him so much. Hirap na hirap na ko." Naririnig ko na nag uumpisa na siyang umiyak. "He asked me to stay with him just for tonight at nangako siyang lalayuan niya na ako after this."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para mapakalma ko siya. Gusto ko siyang yakapin ngayon dahil yun ang ginawa niya noong mga panahon na nahihirapan din ako pero hindi ko magawa.

"W-where are you?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kung saang lugar 'to pero dinala niya ko sa isang beach house." Marami akong alam na beach house na pagmamay ari ng mga Rivero kaya hindi ko masigurado kung saan siya dinala ni Francis.

"I'll be leaving here tomorrow morning bago pa siya magising. S-sunduin mo ko, please. Ayoko nang makita pa niya kong umalis. Ayoko na siyang saktan." Sabi pa niya. Muli ko na namang narinig ang paghikbi niya.

"Sssshh. Stop crying. Ang pangit mo na nga tapos papapangitin mo pa yang sarili mo." Narinig kong tumawa siya pero patuloy pa rin siya sa pagsinghot. "Just text me kung saan kita susunduin o kaya tawagan mo ko. I'll be there."

"Stephen, sila Mama at Papa—"

"Don't worry. Tatawag ako sa inyo at sasabihin kong magkasama tayo. But you have to promise me that that will be the last time na magkakasama kayong dalawa ni Francis."

"Oo. Pangako."

Pagkatapos ng phone call ko kay Elizabeth ay kaagad akong tumawag sa kanila para sabihing kasama ko siya. Ito na lang ang maitutulong ko sa kanya. Mabuti na lang at mabilis kong nakuha ang tiwala ng parents niya.

Muli kong pinagtuunan ang bagay na pinagpupuyatan ko. Nagresearch ako tungkol kay Brent at puro katarantaduhan lang niya ang lumalabas sa internet. Lulong siya sa masasamang bisyo, ilang beses nang labas pasok sa kulungan at isa sa mga nangungunang gangster na nanggugulo sa syudad.

Ano pa nga bang bago? Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya dahil nasa ibang bansa ang parents niya. Hindi pa nga siguro alam ng mga magulang niya na hindi na siya nag aaral at puro kalokohan lang ang inaatupag niya.

Sinubukan kong maghanap ng mga taong malalapit sa kanya. Kapag may mahanap man ako, kailangan kong makausap ang mga 'yon. Baka sakaling may alam sila sa kuta ni Brent.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon