SOPHIE's POV
Ano ba namang buhay 'to? Na comatose ang matalik kong kaibigan tapos si Lucas hindi ko malaman kung mahal pa ba ako.
Para akong zombie nang makauwi na ko sa bahay. Binabati ako ng mga maid namin pero tulala lang akong dumiretso sa kwarto ko.
"Mam Sophie, gusto niyo po bang ihanda ko na ang pampaligo niyo?" pagtatanong ng isa sa mga maid na pinagkakatiwalaan ko habang ako nakadapa sa sarili kong kama.
"Sige po. Salamat, manang."
Parang napakaraming nangyari ngayon. Ang bigat bigat ng katawan ko. Parang gusto na ring pumikit ng mata ko dahil sa sobrang pag iyak.
Kaya natatakot akong pumasok sa isang relasyon e. Sigurado akong mangyayari 'to. Yung bigla bigla na lang manglalamig sayo yung taong nangakong papasayahin ka, iingatan at hindi ka sasaktan. Alam kong darating din yung araw na mawawalan na siya ng nararamdaman para sa'kin. At alam kong ang lahat ng 'to ay panandalian lang.
Bakit ganoon no? Ipaparamdam nila kung gaano ka kaspecial, kung gaano ka nila kamahal, at kapag tuluyan ka nang nahulog sa kanila, kung kailan naibigay mo na ang lahat ng oras at atensyon mo sa kanila, doon ka nila magagawang iwanan at balewalain na parang wala kayong pinagsamahan.
Pagkatapos kong maligo, basta na lang akong dinala ng mga paa ko sa theater room namin. Dito kami madalas nagbabonding ni Lucas. Pareho kasi kaming mahilig manood ng movie. Nakakamiss lang talaga siya.
Umupo ako sa pwesto naming dalawa.
"Sophie, say aaaaaaaa."
Kabisadong kabisado pa rin ng tenga ko ang masayang masayang boses niya kapag inaalok niya ko ng mga chichiryang kinakain niya habang nanonood kami. Kapag giniginaw ako, yayakapin niya ko kaagad at ako naman ang magsusubo sa kanya.
Kapag tapos na kaming manood at inaantok na ko, aayusin niya lang yung sofa tapos magkayakap kaming matutulog. Ganoon lang ang routine ng relasyon namin. Madalas kasing nag iisa lang ako sa bahay dahil busy si Kuya sa negosyo niya. Ang parents ko naman nasa ibang bansa at mukhang walang planong umuwi. Kaya itong si Lucas hangga't maaari, sinasamahan niya ko.
Pero sa sitwasyon namin ngayon, mukhang mag iisa na naman ako. Sobrang laki ng sofa para sa'kin ngayon. Napakaluwag. Humiga ako at mas lalo kong naramdaman ang pag iisa. Nandito pa rin yung mga unan at kumot na ginagamit namin ni Lucas kapag nanonood kami. Niyakap ko 'to at naamoy ko ang pabango ng taong mahal ko. Mas lalo ko siyang namimiss.
Umiiyak na naman ba ko?
Packing tape ka, Lucas. Ngayon lang ako umiyak ng ganito dahil sa isang lalake.
Gusto ko sanang tawagan ang Kuya ko kaya lang naiwan ko pala sa kwarto ang phone ko. Ang hirap ng ganito. Kung kailan mo kailangan ng karamay, tsaka wala ang lahat.
Bigla na lang akong natawa nang maalala ko na sinapak ni Shael si Lucas. Nakakamangha talaga ang babaeng yun. Hindi ko akalaing makakasapak siya nang dahil sa'kin. Nanapak siya ng lalake para maipaghiganti ako. Nakakatuwa dahil inaalala niya ko.
Isa si Shael sa mga taong gusto kong makasamang tumanda.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko sa malaking sofa.
"Achooooooo!"
Sinipon pa ko dahil sa lamig. Nabigla ang pagbangon ko kaya kumirot yung likod ko. Pati ang mata ko ang hapdi.
Paglabas ko ng theather room, nakasalubong ko si Manang Lucy.
"Oh? Ma'am Sophie, bakit nasa theater room kayo? Dyan po ba kayo natulog?" Usisa niya.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
JugendliteraturI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
