My Romantic Destroyer 60

1.2K 25 10
                                    

SHAEL's POV

"Shael! Sa amin ka makinig! Hayaan mo muna kaming magpaliwanag!" Sigaw sa'kin ni Sophie. Nakita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya. "Sasabihin naman talaga namin sa'yo ang lahat sa oras na maayos ang gulong 'to pero pinangunahan kami ni Brent! Maniwala ka sa'kin, Shael. Hindi namin ginu—"

Nanlaki ang mata ko nang magpawala ng bala si Brent patungo sa direksyon ni Sophie.

"Sophie!" Sigaw ko.

"Sht!" Reaksyon ni Sophie. Mabuti na lang at daplis lang sa balikat ang natamo niya.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Sigaw naman ni Gabriel kay Brent.

"Wala akong sinabing pwede niyong kausapin si Trisha! Lalong lalo na kapag kinakausap ko pa siya!" Sagot naman ni Brent.

"H-hayop ka," kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Sophie.

"Sophie, ayos ka lang ba?" narinig kong tanong ni Ashley sa kanya.

"Ako ang hari dito kaya ako ang masusunod. Naiintindihan niyo?!" Demonyo talaga ang lalaking 'to.

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi magbabago ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Tandaan mo 'yan," banta ko sa kanya.

Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa'kin. Nanlilisik na ang mga mata niya sa galit.

"Dahil sa mga sinabi niyo, lalo niyo lang akong pinagalit." Galit na galit na talaga siya. Mabilis siyang tumingin sa mga tauhan niyang nag aabang lang. "Kunin si Wil! Itali niyo na ang dalawang kamay niya!"

Mabilis na kumilos ang mga tauhan niya. Kinalagan nila si Wil at iginapos ang magkabilang kamay sa isang mataas na bahagi ng poste. Nakasabit na ngayon sa harap namin si Wil.

"Anong gagawin niyo sa kanya!" Sigaw ni Jasmine na alalang alala.

"Tanggalin niyo ang pang itaas niya." Utos ulit ni Brent. "Matitkman niya na ngayon ang paghihiganti ko."

Ginupit nila ang polo at sando ni Wil.

"Pakawalan niyo ko! Tang ina!" Pagpupumiglas ni Wil.

May inabot ang mga tauhan ni Brent sa kanya na parang electrical wires.

"Kukuryentehin ba niya si Wil?" Si Dennis na parang biglang kinabahan.

 "Huwag mong itutuloy 'yan, Brent!" Banta pa ni Gabriel.  

"Makikita niyo ngayon ang galit ko." Nakangising sabi ni Brent at mabilis niyang kinuryente si Wil.

"Aaaaaah!" Pagsigaw ni Wil.

"Wil!!" Sigaw ni Jasmine at Tom.

"Isa kang baliw!" Sabi naman ni Leo.

"Bakit mo ba ginagawa 'to, Brent? Para saan? Para makapaghiganti kay Light? At pagkatapos ano? Makukulong ka dahil nakapatay ka ng maraming inosenteng tao? Sasayangin mo lang ang buhay mo dahil sa ginagawa mo." Sabi ko naman kay Brent.

"Wala kang alam, Trisha. Hindi mo alam kung gaano katindi ang ginawang pagtapak ni Francis sa pinaka iingat ingatan kong dignidad. Hindi mo alam ang pakiramdam ng mapahiya sa lahat ng tao. Hindi mo alam," puno ng galit ang boses niya. "Diba, Wil?" At muli niyang kinuryente si Wil.

"Aaaaaaaah!!!"

"Tang ina mo, Brent!" Sigaw naman ni Ashley.

"Nagkakamali ka, Brent. Hindi mo pa nga talaga ako lubusang kilala. Baka nga mas matinding pagkapahiya pa nga ang naranasan ko kesa sa'yo e. Pero ano? Hindi ko piniling maghiganti dahil sa oras na maghiganti ako, sa bandang huli, siguradong ako pa rin ang magiging talo."

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon