My Romantic Destroyer 36

1.2K 21 9
                                    


JOEY's POV


Nakakabadtrip naman 'tong event na 'to. Bakit may ganito pa? Paano na lang yung mga walang maayang sumayaw? Hindi ba nila naisip yon?


Kesa tumunganga, umakyat ako sa isang puno kung saan tanaw ko ang buong open field. Kitang kita ko ang lahat ng lovers na naglalandian. Yung mga school officers na masayang nagluluto ng barbecue para sa lahat. Yun na nga lang ang ipinunta ko dito e.


"Kung ako sa'yo, hangga't may pagkakataon ka pa, ipaglaban mo. Hindi dahil iniiwasan ka e ibig sabihin non, ayaw niya na rin sayo. Matalino ka, diba?"


Langya. Hindi ba ko titigilan ng boses ng babaeng 'yun? Kanina pa paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi niya a. Oo. I'm fucking smart pero nakakabobo ang sinabi niya. Pakshet lang.


Malinaw naman kung sino ang tinutukoy niya. Siguro alam na rin niya ang tungkol sa'min ni Ashley. Kilala ko si Ashley. He's not the type of girl na basta basta magkukwento kung kani kanino. Magkapareho nga sila ni Shael. Walang pinagkaiba.


Hangga't may pagkakataon pa ko? E si Ashley na nga mismo ang umiiwas sa'kin. Ang hirap maghabol sa taong kusang tumatakbo palayo sa'yo. Kaya pano niya nasabi na may pagkakataon pa?


Hindi dahil iniiwasan ka e ibig sabihin non, ayaw niya na rin sayo. Bwisit! Nakakabobo talaga. Gusto kong ibalik ulit ang lahat pero hindi ganun kadali yun. Baka masaktan ko lang ulit siya. Baka pati siya tuluyan nang masira sa ibang tao. Mas okay na yung ganito. Yung ako lang yung kinamumuhian.


Muli kong ginala ang paningin ko sa paligid. Halos lahat ay nagsasaya. Sinimulan na ring ipamigay ng Student Council ang mga naluto ng barbecue. Kukuha pa kaya ako? Syempre naman. Kanina pa kaya kumakalam 'tong sikmura ko.


Pababa na sana ako ng puno nang makita ko si Ashley na lakad ng lakad malapit sa punong inakyatan ko. Anong ginagawa niya? May hinahanap ba siya?


Mukhang kanina pa siya lakad ng lakad dahil medyo hinihingal na siya. Tumingin ako sa relo ko at halos mag-i-eleven na pala. 


Bababa na sana ako para kausapin siya nang biglang may nagring. Cellphone niya ata. Hindi muna ako bumaba para pakinggan ang pinag uusapan nila.


"Hindi ko pa rin siya nahahanap. Oo. Nagtanong tanong na rin ako. Okay lang. Ayokong sumuko. May nakapagsabi sa'kin na nakita raw nila si Joey na naglalakad papunta dito e. Baka mahanap ko na siya."


Ako ang hinahanap niya? Pero bakit?


"Sige. Salamat. Bye." Tinago niya na ulit ang phone niya at nang aakmang aalis na ay kaagad akong bumaba ng puno.


"Ay! Anak ng pating!" sigaw niya nang muli siyang lumingon. "J-joey?"


"Bakit mo ko hinahanap?" matapang kong tanong. This time, hindi ko na siya hahayaang makatakas pa. Kung gusto niya nang tuluyang tapusin ang ugnayan naming dalawa. Pwes, pagbibigyan ko siya.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon