Dedication: I dedicated this chapter sa isa kong pang kapatid, @loveessTrisha . Baka magtampo kasi yung ate lang namin ang binigyan ko ng dedication. HAHAHA. Hello, bunso!
FRANCIS' POV
December 31.
Nakahinga na kami nang maluwag nang maging successful ang surgery ng pinsan ko. Mabuti na lang at kinaya niya kahit wala si Gabriel. Malaki rin kasi ang pangamba ko na maapektuhan ang puso niya dahil nag aalala siya kung nasaan ang lalaking 'yon na kahit ako ay hindi ko alam kung saan 'to nagpunta.
Papunta ako sa ospital ngayon para bisitahin ang pinsan ko. Kasama ko ang ilan sa mga tauhan ko na inatasan kong magbantay pa lalo sa ospital lalo na't sigurado akong makakarating sa panig ng kalaban ang tungkol sa surgery ni Wendy. Mas may lakas na loob na silang sumugod. Kilala ko sila, mas gusto nilang pumatay kapag malakas na ang papatayin nila. Ayoko mang isipin pero maganda na yung naghahanda. Hindi ko na hahayaang maulit pa ang nangyari noon. Nang dahil sa kapabayaan ko, maraming nadamay.
Huminto ako sa tapat ng pintuan na may nakalagay na Room 213 – Wendy Rivero at kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Nadatnan ko si Tita na tahimik lang na pinapanood matulog ang kanyang prinsesa. Si Tito naman ay nakaupo sa sofa at nagbabasa ng dyaryo.
Maraming nakalagay sa katawan ni Wendy na mga aparato. Wala pa rin siyang malay simula nang matapos ang surgery pero sinabi sa amin ng doktor na stable na ang kondisyon niya.
Nagmano ako kina Tito at Tita tsaka ako tumitig sa maamong mukha ng pinsan ko. Pero hindi pa rin ako mapakali e. Saan nanggaling ang puso na ipinalit sa kanya?
"At kung sakali mang pumalpak ako at nakita mo na ang bangkay ko, isa lang ang gusto kong gawin mo, ibigay mo ang puso ko kay Wendy."
Sht! Hindi maari. Naabutan pa naming buhay si Gab noong pinigilan namin siyang patayin si Brent. Nag inuman pa nga kami sa headquarters kaya sigurado akong buhay siya. Siguro, lasing nga siya noong umalis siya sa headquarters pero... putcha! Iniwan niya ang motor niya doon kaya ibig sabihin naglakad lang siya pauwi. Pero marami ang pwedeng nangyari. Maaring sumakay siya ng taxi pauwi sa kanila o kaya naman naglakad siya tapos... hindi kaya napagtripan siya?
Nagkataong wala siya sa katinuan at hindi siya nakapanlaban kaya... hindi e. Kilala ko si Gab kahit na lasing na lasing 'yon hindi yun magpapatalo. Kung ganoon, nasaan na siya? Hindi kaya inabangan na siya ng mga tauhan ni Brent at tsaka siya pinagtulungan?
Naalala ko pa ang mga kakaibang tingin sa kanya ng mga lalaking kakampi ni Brent sa bar na pinuntahan namin kung saan niya 'to sinugod. T*ngina! Bakit hindi ko naisip na pwedeng mangyari 'yon?
"Francis," nagbalik lang ako sa realidad nang tawagin ako ni Tita.
"Okay ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang dyan."
"Pasensya na po. May iniisip lang. Ano nga ho ulit yung sinasabi niyo?" Kanina pa pala niya ko kinakausap at hindi ko man lang napansin dahil sa mga iniisip ko.
"Sabi ko, ikaw na ang bahala sa school niyo. Pakisabi sa kanila ang sitwasyon ng pinsan mo."
"Opo. Ako na hong bahala." Ngumiti lang sa'kin si Tita at muli na niyang tinitigan si Wendy. "Ano, Tita, kanino ho galing ang bagong puso ni Wendy?" Pagtatanong ko.
"Ang alam ko lang ay may tumulong sa atin na humanap ng donor ni Wendy. Hindi ko na nausisa kung sino dahil na rin sa sobrang pagkatuwa ko pero sobra akong nagpapasalamat sa taong 'yun at sa pamilyang nagdonate sa anak ko." Mangiyak ngiyak sa tuwa si Tita. "Itanong mo na lang sa Tito mo. Siya ang nakausap ng taong tumulong sa atin."
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Ficção AdolescenteI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
