My Romantic Destroyer 15

1.5K 19 2
                                    

A/N: Hazel, one of the Gossip Sisters at the multimedia.


 TRISHA's POV


"Umalis ka na dito hangga't wala pang nasasaktan," Sabi naman noong kasunod nilang babae. Isa rin sa Gossip sisters.

  

"O kaya naman hiwalayan mo na si Francis hangga't hindi pa nagkakagulo," Dagdag pa ng panghuling babae.


May galit ba sila sa'kin o may alam lang talaga sila na hindi ko pa alam?


"Anong ibig niyong sabihin? Kung ayaw niyo sa'kin pwede niyo naman akong diretsuhin hindi yung kung ano ano pang pananakot ang sinasabi niyo," Matapang kong sagot.


"Hindi sa ayaw namin sa'yo, Trisha. May mga bagay lang talaga na kailangan naming iwasan na mangyari ulit." Paliwanag ni Luke Marcus.


Mga bagay na kailangan iwasang mangyari?


"Ano bang mga bagay yun ha? Bakit hindi niyo sabihin sa'kin? Ang gulo gulo na kasi e!" Sigaw ko.


Hindi ko na kinaya. Naiiyak na ko. Sobrang gulo na ng isip ko.


"Hindi mo na kailangan malaman pa, Trisha. Just leave this place or stay away from Francis," Sabi pa nung isa sa mga gossip sisters. "By the way, I'm Hazel and this two girls is Gillian and Sandy."


Yun pala ang pangalan ng tatlong babaeng 'to na lalong nagpagulo ng isip ko.


"Hindi ba mas maganda kung malaman ni Trisha ang mga nangyari noon?" A familiar voice came out.


Pagtingin naming lahat sa may pintuan, nakita namin si Joey.

  

"Ikaw na naman? Huwag mong sabihing makikialam ka na naman sa problema na 'to?" Sabi naman ni Gillian.


"Walang lihim na hindi nabubunyag, Gillian. At kung ako sa inyo, kikilalanin ko muna ng mabuti si Trisha, bago ko siya husgahan." Joey gave them a smirk before he walk away. As if naman kilala niya na talaga ko?


"Hey hey. Anong nangyayari dito?" Si Lucas na kakarating lang din.


As usual, may dala na naman siyang pagkain. Kasama na rin niyang dumating sila Gab at Francis.


Nang magkatinginan kami ni Francis, umiwas kaagad ako at dumiretso sa pwesto ko. Siya naman umupo na rin sa tabi ko.


Akala ko kakausapin niya ko pero yumuko kaagad siya at mukhang matutulog na naman. Mas okay na siguro 'to para hindi na ko mahirapan makipag usap sa kanya.

  

Tinignan ko ulit sila Luke Marcus, Luke Martin at yung gossip girls na sila Hazel, Gillian at Sandy. Kung kumilos sila parang walang nangyari kanina. O hindi lang talaga sila nagpapahuli kay Francis na kinakausap ako tungkol sa bagay na yun?

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon