My Romantic Destroyer 18

1.5K 25 5
                                    

A/N: See Gab's effort to make Wendy smile at the multimedia.


WENDY's POV


Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Sophie. Ayaw pa rin magsync in sa utak ko ang lahat ng sinabi sa amin ni Shael kanina.


Bakit siya nagdesisyon ng ganoong bagay? Bakit kailangan niyang isuko si Francis? Bakit kailangan magaya siya kay Odette?


Haay nako. Eto naman kasing si Francis. Hindi ko malaman kung mahal pa nga ba talaga niya si Bea o nafall na rin siya kay Shael?


Kumain na naman ako ng hapunan nang mag isa. Nasa business meeting ang parents ko at ang pinsan ko namang pasaway ay hindi ko na naman malaman kung saan napadpad. Hindi kasi marunong magpaalam. Si Tita naman, hindi rin makakauwi. Habang ang isa ko pang pinsan na kapatid rin ni Francis, ayun, malayang namamasyal sa Japan.


After kong magshower, umupo na ko sa harap ng desk ko. Ang isa sa mga trabaho ko araw araw ay ang pag-aralan kung paano ang magpatakbo ng isang kumpanya.


Ang dami nilang binigay na libro tungkol doon. Kailangan ko raw basahin lahat para maging pamilyar na ko sa mga bagay bagay. Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod dahil nag iisang anak nga lang ako. I was born with these responsibilities. I must accept it dahil para rin naman daw 'to sa future ko.


*tok


Napatingin ako sa malaking bintana ng kwarto ko. Hindi siya actually bintana kasi glass door siya through my veranda. May parang bumato dito.


Akala ko guni guni ko lang kaya bumalik ako sa pagbabasa.


*tok


*tok

  

Tumayo na ko para tignan. May bumabato talaga sa bintana ko. Is it a thief or a kidnapper?


Hinawi ko yung kurtina pero wala akong makita kahit anino ng isang tao. I slowly opened the glass door.


"Sinong nandyan?" I shouted.


"Wendy!" Nagulat na lang ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.


May nakita akong dustpan sa may gilid ng veranda kaya kaagad ko 'tong kinuha for my defense na rin.


Nanginginig man ako sa takot, I bravely shouted, "Sino yan? Magpakita ka sa'kin. I'm not afraid of you!"


"Wendy! Tumingin ka sa baba! Si Gab 'to no!" A familiar voice came out.


Si Gab?


Pagtingin ko sa may baba ng veranda, nakita ko nga si Gab. Nakasakay siya sa bike niya. Anong ginagawa niya dito?

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon