SHAEL's POV
Humingi ng tawad sa akin sila Wendy dahil ngayon lang nila sinabi sa'kin ang tungkol dito. Medyo masama ang loob ko dahil may inililihim pa pala sila sa'kin. Pero naiintindihan ko sila.
Sinabi ni Wendy na baka mas mahirapan silang kunin ang tiwala ko kapag nalaman kong hindi sila basta basta normal na tao lang. Ayoko na rin namang magtanim ng sama ng loob sa kanila. Sobrang dami ko pang iniisip at ayoko nang madagdagan pa ang problema ko.
Sinabi rin nila sa akin na ang mga lalaking mukhang butlers na 'yon ay myembro ng Black Royals. Nalaman ko rin na iilan lang ang nakakaalam sa pagkatao nila. Kasama na doon ang mga estudyante ng Angelic Academy. Kaya ba maraming takot sa kanila kapag nabubuo ang grupo? Ngayon lang nagkakaroon ng sagot sa mga tanong ko.
May inilagay na makinang na Violet Rose sa kanang dibdib ko si Light bago kami pumunta ng pavilion. Konting lakarin pa kasi mula sa entrance bago makarating sa mismong venue. Sobrang laki ng pavilion kaya magkakasya talaga ang lahat dito.
Naunang pumasok sila Noel. Kahit nasa labas pa ko, rinig na rinig ko kung paano tumahimik sa loob ng pavilion. Yung malalakas na tawanan at chismisan, yung mga malalakas na tugtugan, lahat 'yon tumahimik nang pumasok sila Noel. Kami lang nila Gab, Wendy, Lucas, Sophie at Light ang naiwan sa labas. Nakita ko rin na parang pumwesto sa paligid ng pavilion ang mga alagad ni Light.
"Shall we go?" Pagtatanong ni Light. Hinawakan niya ang kamay ko and I feel safe and secured. "Don't be scared. I'm right here with you."
Nginitian ko lang siya. Sabay sabay kaming anim na pumasok. All eyes were on us.
Fear.
Yan lang ang nakikita ko sa mga mata ng lahat.
Sino nga ba naman ang hindi matatakot sa tatlong lalake at dalawang babaeng kasama ko? They were all Princes and Princess of gangsters. Kaya nilang gawin ang lahat. Ano na nga ba ang nagawa nila? Yeah. I forgot. Nang dahil sa away ng grupo nila Light at Brent, maraming nadamay. Mga inosenteng estudyante. Mauulit ba ulit ang nakaraan?
"The Black Royals already arrives." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nag anunsyong 'yon. Si Rupert De Leon, ang isa sa mga Student Council. Ang ibig sabihin ba nito, kapanalig ng Black Royals ang Student Council?
Lalo akong nagulat sa nakita ko. Some of the students lower their heads at us. Maliban na lang sa mga may suot ng bracelet ni Bea. Mabilis nahagilap ng mata ko ang babaeng palakang 'yun kasama ang mga alipores niya. Kitang kita ko sa mukha nila ang takot. Lalong lalo na sa mga mata ni Beatriz Cortez. She was wearing a long pink gown.
Ilan sa mga alagad ni Bea ang parang bumaligtad na sa kanya dahil isa isa na rin 'tong nagsiyuko.
"What are you doing, stupid little brats!" sigaw ni Bea sa mga alipores niyang bumaligtad sa kanya. Tinignan niya ko ng masama. "This is all your fault!"
Aba! Ako pa ang sinisi?
"Hey, Bea. Choose your words against her. Hindi na siya basta basta si Shael. Siya na ang Crystal Violet Princess." Paalala ni Noel sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
