My Romantic Destroyer 3

2.8K 35 2
                                    



FRANCIS' POV


Pinauna ko na ang mga kabarkada ko sa canteen. Nawawala yung wallet ko e. Hahaha!


Oh, diba? Sa lahat ng nawalan ako pa ang masaya?


Pupunta muna ako sa locker ko. Baka doon ko naiwan ang wallet ko.


Lakad.


Lakad.



Ow? Si Miss Moody Nerd 'yon a at may hawak siyang papel.


Ano 'yon? Love letter? Imposible. Ako pa lang kaya ang nakakarealize na maganda siya.


Teka. Ano? Tama ba 'tong naisip ko? Narealize ko ba na maganda si Trisha? Hinde. Hinde. Joke lang yon. Joke lang talaga.


Baka nantitrip lang ang letter na 'yon. Baka nga.


Hindi kaya?


Yung lalaki na naman na 'yon? Takte. May bibiktimahin na naman siya. Nakalimutan ko na ang mga bagong lipat na estudyante ang lagi niyang pinupuntirya. Bakit ko ba nakalimutan yon? Takte!


Bahala na nga. Basta, kailangan kong makasigurado.


Lapit.


Lapit.


"Oy." Tawag ko sa kanya.


"Oh?" Nakita kong itinago niya 'yung papel.


Tignan mo 'tong babaeng 'to. Ang ganda ng mukhang ibinungad sa'kin.


"Ano 'yang hawak mong papel ha? Bakit mo itinago?"


"None of your business."


Aray. Aray talaga. Binara niya ko. Nabasa niyo, diba? Nabasa niyo!


Isinara na niya ang pinto ng locker niya tsaka siya umalis. Tinignan pa niya ko ng masama. Ibang klase talaga siya.


Bahala na nga siya.


Hmf.


Makakain na lang.


Ay. Yung wallet ko pa pala.


TRISHA's POV


Ano na naman kaya ang pumasok sa isip ng lalakeng 'yon? Pero, wala akong panahon para sa kalokohan niya.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon