My Romantic Destroyer 23

1.4K 22 1
                                    

A/N: Sophie and Lucas at the multimedia.


GAB's POV


Nandito kami ngayon sa rooftop ng headquarters. Pagkatapos naming maglaro ng basketball, dito na kami dumiretso. Sinasamahan naming uminom si Lucas. Broken hearted na naman daw siya kaya kailangan niyang makalimot.


"Oy. Bakit parang ako lang ang umiinom? Pinuno, oh. Damayan mo naman ako." Sabay abot niya ng baso kay Francis pero kinuha lang 'to ni pinuno para ibaba ulit sa lamesa.


"Hindi ko kailangan niyan, Lucas. Kulang pa sa'yo yan e." Sabi pa ni pinuno.


"Kayo? Ayaw niyo kong damayan?" Tss. Lasing na talaga 'tong lalaking 'to.


"Pare, nakalimutan mo na ba yung sinabi ni pinuno? Para lang sa mga taong may problema ang alak." Sabi naman ni Noel.


"Mga KJ kayo! Gab, ikaw na lang. Dali." Sabay yakap niya sa'kin. Heto na siya. Kapag nalalasing kasi si Lucas kung sino sino na lang ang niyayakap niya. Bakit ko ba naisipang tabihan 'to?


"Ayoko. Wala akong problema kaya huwag mo kong alukin." Sagot ko.


"Letse namang buhay 'to oh!" Sigaw ni Lucas nang layuan niya ko. "Ayoko na! Suko na ko! Ang tagal tagal ko nang naghihintay!"


"Alam mo, Lucas. Kung mahal mo talaga si Sophie, makakaya mong maghintay ng matagal." Sabi ko naman.


"E kung alam mo namang walang gusto sa'yo yung tao, bakit ka pa magpapakatanga sa kanya, diba?" Babanatan ko 'tong si Sam e. Kinontra pa ko.


"E kung sayo ko kaya itabi si Lucas ha?" Banta ko sa kanya.


"Peace tayo!"


"Tama naman si Sam e. Kahit kailan hindi ako magugustuhan ni Sophie. Huk. Huk. Tangang baba-huk babae lang ang magkakagusto sa kagaya ko!" Nagwawala na siya.


"Pare, ang drama mo a. Kinikilabutan ako sa'yo." Si Rocky habang yakap yakap ang sarili niya.


"Rocky, nagiging madrama talaga tayo kapag nagmamahal no lalo na pag nasaktan. Magiging ganyan ka rin kapag nahanap mo na ang katapat mo." Sabay tawa ni pinuno.


"Nako, pinuno. Kung may katapat ako e kung wala." Pagyayabang pa ni Rocky.


"Lahat tayo may katapat, Rocky." Napatingin kaming lahat kay Francis dahil biglang nag iba ang tono niya. Seryoso siya this time.


"Oh. Chill lang pinuno." Si Noel nang tapikin niya ang balikat ni Francis na katabi niya lang.


"Biro lang." Habol naman ni Francis. "Sige lang, Lucas. Ilabas mo lang lahat ng nararamdaman mo."


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon