A/N: Confuse Sophie at the multimedia.
SHAEL's POV
Ganito pala yung pakiramdam na maamin mo sa sarili mo na mahal mo na talaga ang isang tao no? Yung daig mo pa ang nabunutan ng tinik sa dibdib?
Ngayong naamin at natanggap ko na kung ano talaga 'tong nararamdaman ko towards Light, nadagdagan naman ang takot ko sa kung anong mangyayari sa hinaharap. Alam kong may consequence ang ma inlove sa isang lalaking kagaya ni Light. Lalo na't may mahal siyang iba.
Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni Sophie na hindi porket may ibang mahal ang taong mahal natin, hindi rin ibig sabihin na we can't love them from afar. I guess, mamahalin ko na lang siya nang patago.
Ganoon naman talaga sa love, diba? Kung mahal mo talaga ang isang tao, hahayaan mo siya kung saan siya mas magiging masaya. Love is all about sacrifices and I guess, this dare is over.
"So, anong parusa ko, Jane?" Tanong ko sa batang katabi ko na siyang nagsimula ng dare na 'to. "Ako ang unang na inlove kaya ako ang talo."
"Ate, nakasunod na sa'yo ang parusa mo." Sagot niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Mahal mo na si Kuya Francis, diba? Pero hindi ka niya mahal. Kaya ang parusa mo, you need to make him fall in love with you."
A-ano daw?
"J-jane, tama ba yung narinig ko? Make him fall in love with me?"
Tumango si Jane. Mukhang tama nga ang narinig ko.
"No way, Jane. I don't like that idea."
"But this is part of the game, Ate. Kapag nagawa mong mapafall sa'yo si Kuya Francis, siya ang talo."
"Another dare na naman ba 'to?" Hays.
"Parang ganoon na nga, Ate." Nakangiti niyang sagot.
"Pero paano kung hindi niya ko nagawang mahalin?"
"Edi ikaw pa rin ang talo, Ate. Para lang yang pamasahe sa jeep. Nagbayad ka ng sobra tapos hindi ka nasuklian nung driver. Ikaw yung nagbayad ng feelings mo at si Kuya Francis ang driver."
"Then, hindi ko siya dapat mahalin ng sobra. Dapat sakto lang para hindi na kailangan suklian."
"Ate, sa tingin mo ba, may ganoong klase ng love? Diba, lahat naman tayo kapag nagmahal, gusto natin minamahal din tayo?"
"Pero hindi natin sila mapipilit na mahalin tayo, Jane. Kapag pinilit natin, tayo lang din ang masasaktan."
"Siguro nga, Ate. Anyway, ikaw na pong bahalang tumapos sa larong sinimulan natin."
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...