My Romantic Destroyer 55

1.1K 20 5
                                    

Dedication: Hello to @LanieLovesU ! :) Isa ka sa hindi ko makakalimutan. Hahaha. Sobrang thank you sa sunod sunod mong comments and votes. Labyuuu :)

SHAEL's POV

"The real Odette died 2 years ago."

Hindi ko mapigilang matawa. "What are you saying? Nababaliw ka na ba? Look, I'm okay. I'm really okay. Hindi mo na kailangan mag effort ng ganyan para lang mapatawa ako."

Akala siguro ng lalaking 'to nalulungkot pa rin ako sa sitwasyon namin ni Light. I'm doing great pa nga dahil alam kong lumalaban kami pareho kahit na magkahiwalay kami.

"Do I look like I'm kidding?" Bigla akong natigilan sa pagtawa nang mapansin kong seryoso talaga siya.

"W-wait. Kasi naman hindi kapani paniwala 'yung sinasabi mo. Nagpunta pa nga si Odette sa grand ball noong school festival e. She even went to my house to talk to me last week."

Kitang kita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Rocky dahil sa gulat. Bakit ganoon na lang ang reaksyon niya?

"H-hey, are you okay?" Tanong ko naman sa kanya.

"S-sigurado ka bang si Odette ang nakita mo?" Nauutal naman niyang tanong.

"Oo. Noong sa grand ball, si Light pa mismo ang nagpakilala sa kanya. Hindi ka nga pala nagpunta noon. And last week, nagulat na lang ako kasi pagkauwi ko, nasa bahay na siya at hinihintay ako. Sinabi pa nga niya sa'kin na huwag kong isusuko si Light e. Tapos kinwento pa niya ang nangyari noon sa Class 2F." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Imposibleng siya 'yon. Matagal na siyang patay. Nagpakamatay siya sa bahay nila sa Italy." Sabi pa ni Rocky.

Muli akong napatingin sa hawak hawak kong article. Napalunok ako habang binabasa ko ang buong detalye.

Odette Dela Fuente was found dead on her room at exactly 10 in the evening by her sister Monette. Based on the information given by the police, Odette made a deep cut on her wrist using a knife and they concluded it as a suicide incident.

Monette, the twin sister of the victim, explained that her sister is so depressed few days ago before the incident. And they take this as the reason why Odette wanted to end her life.

Bigla akong kinilabutan. Anong ibig sabihin no'n? Kung patay na nga talaga si Odette, sino ang babaeng nagpunta noon sa grand ball? Sino yung babaeng pumunta pa sa bahay namin para lang kausapin ako?

"She's already dead kaya imposibleng si Odette ang nakita mo." Sabi naman sa akin ni Rocky.

"What does it mean? Minumulto ako? Pero imposible. Halos lahat ng nasa grand ball ay nakita at napansin siya." Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa hawak kong papel. 2 years ago pa ang article na 'to at ngayon ko lang nalaman na may kakambal siya.

Wait. Kakambal? Hindi kaya...

"Stephen, hindi kaya nagpapanggap si Monette bilang si Odette?" No. It cannot be. That's insane. Bakit naman niya gagawin 'yon?

Umupo sa gilid ng kama niya si Rocky at mukhang malalim ang iniisip niya.

"Posible ang sinasabi mo. Hindi kaya pinaghihiganti niya ang kapatid niya?" He said.

"Why would she do that?"

"2 years ago, naganap ang insidente sa section niyo, Elizabeth. Days after that incident, nalaman na lang namin na nasa Italy na pala si Odette. Nagpakalayo layo siya kung saan walang Bea, walang Francis at lalong lalong walang magtatangka sa buhay niya."

Napaupo na rin ako sa kama dahil sa mga nalalaman ko. Kung 2 years ago nagpakamatay si Odette at 2 years ago din nangyari ang insidenteng 'yon, hindi kaya ang insidenteng 'yon ang nagtulak sa kanyang magpakamatay?

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon