WENDY's POV
Mag iisang oras na kaming naghihintay dito pero hindi pa rin dumadating si Shael. Nag-aalala na ko para sa kanya. Baka may nangyari nang hindi maganda.
"Francis, baka may ginawa nang hindi maganda yung ex mo kay Shael. We have to find her." Pag-aalala ko.
Hindi niya ko pinansin. Bakit ba lagi na lang siyang ganyan everytime na mababanggit ang ex niya? Huwag niyang sabihing may gusto pa rin siya sa Bea na yon?
"Sophie, nag-aalala na ko." Si Sophie na lang ang kinausap ko.
"Ano? Hanapin na ba natin siya?" Buti pa si Sophie pinapakinggan ako.
"Please?" Pagpupumilit ko.
"Guys, maghiwa-hiwalay tayo. Kami ni Wendy sa may gym. Ikaw Gab and Lucas sa Old building kayo. Francis, I know that you can handle yourself kaya sa main building ka na maghanap." Utos ni Sophie.
Isa isa na kaming umalis. Sobrang nag-aalala na talaga ko para kay Shael.
Hindi kaya nagsimula na sila Bea? No way. Kapag may ginawa sila kay Shael, sisiguraduhin kong malalagot sila sa'kin.
We started searching around the school. Wala na rin kaming makitang ibang mga estudyante dahil late na rin.
"Manong, may nakita ba kayong babae na mukhang nerd? As in nerd talaga?" Tanong ko kay Manong janitor nang makasalubong namin siya papunta sa gymnasium.
"Nerd ba kamo? Meron akong nakita. Grupo ng mga babae. Mga lima sila tapos may kausap silang nerd nga."
Limang babae? Sigurado akong sila Bea yun.
"S-saan niyo po sila nakita?" Pagtatanong ko.
"Wendy, no matter what he say, you need to calm down, okay?" Paalala sa'kin ni Sophie. She knows what will happen kapag nagalit ako ng sobra.
"Manong, sabihin niyo sa'kin. Saan niyo sila huling nakita?" Muli kong tanong.
"Sandali lang silang nag-usap malapit sa may Library tapos umalis na sila palabas ng main building."
Huli na. Huli na kami.
"Salamat ho, Manong." Narinig kong sinabi ni Sophie kay Manong Janitor at umalis na rin 'to.
"Sophie, we need to hurry. K-kung nandito pa sila sa school, s-sa gym lang o kaya sa old building nila pwedeng dalhin si Shael."
I need to calm down.
I need to calm down.
Pero, hindi ko magawa.
Si Shael... baka kung mapano si Shael.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
