A/N: To commemorate Shael's new look— here's a gif of her for you, readers! Thank you sa suporta! :)
SHAEL's POV
As expected, ako na naman ang talk of the town. Ano pa nga bang bago? Ay. Meroon pa lang bago. Kung dati, ang paglalandi ko raw at pang aagaw ko kay Light ang topic, ngayon naman ang bagong look ko.
Sabi ng mga babae:
'Si Trisha ba talaga yun?'
'Ang ganda niya pala kapag walang salamin.'
'Tsaka parang kuminis ang mukha niya.'
Sabi naman ng mga lalake:
'Sh*t. Ang ganda niya pala.'
'Sana napansin ko nang maganda siya nung hindi pa sila ni Francis. Naligawan ko pa sana.'
'Kung hindi lang si Francis ang boyfriend niya, susulutin ko yan e.'
Yan ang paulit ulit kong naririnig sa tuwing maglalakad ako sa corridor. Nganga sila ngayon sa'kin dahil hinusgahan kaagad nila ko.
Kagagaling ko lang sa CR, pagbalik ko ng classroom, nagmimeeting na sila for the upcoming school festival. Umupo ako sa pwesto ko at si Wendy naman ay nakatayo sa harap kasama ang iba pang classroom officers.
Nabasa ko sa blackboard na Horror house, host club at cafe ang choices nila for the theme.
"Ano? Nakapagdecide na ba ang lahat?" Sigaw ni Wendy sa buong klase.
Maya maya lang ay inusod ni Light ang upuan niya palapit sa'kin at saka niya isinandal ang kanyang noo sa balikat ko. Anong problema nito?
"Ayoko ng host club." Bulong niya.
Host club?
"Kapag horror house, siguraduhin niyo lang na makikipag cooperate ang lahat sa paggawa ng costumes. Kapag cafe, maghanda na kayo dahil magiging sobrang busy tayo and lastly, kung host club ang pipiliin niyo, kailangan naming mamili ng mga lalaki sa section na 'to para maging host at mag eentertain sa mga magiging bisita which is mostly girls." Paliwanag pa ni Sophie.
Kaya naman pala ayaw ni Light sa host club dahil siguradong isa siya sa mga mapipili. Sikat rin kasi ang grupo niya sa mga babae sa school. Lalo na siya. Kahit mga basagulero.
"Oh. Nandyan naman ang grupo nila Francis e. Maghost club na lang tayo!" Sigaw naman ng isa naming kaklaseng lalaki.
Maraming sumang ayon sa kanya. Patay na. Baka maging bipolar na naman 'tong katabi ko kapag host club ang napili.
Tinignan ko sila Wendy at Sophie. Nakatingin lang din sila sa'kin. Tinignan ko silang mabuti. Kailangan nilang makuha sa tingin. Kapag napili ang host club, sigurado rin na makakasama sila Gab at Lucas. Hindi ba sila nag aalinlangan nun?
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...