A/N: Sophie at the multimedia.
TRISHA's POV
Mahal pa kaya niya si Bea?
Bakit ganun na lang ang mga ikinikilos niya?
Simula nang makabalik kami sa classroom, himalang hindi siya natutulog. Kung ano ano na ang ginagawa niya at parang balisang balisa siya. Dahil ba 'to sa nangyari kanina?
Teka. Bakit ba ko nag-iisip ng ganito? Pakialam ko ba kung mahal pa niya yung Beang yon? I really don't care. As in.
After ng afternoon class namin, niyaya ako nila Wendy sa isang cake shop. Ito din ata yung cake shop kung saan dati pa nila kong niyayaya kaya lang lagi akong tumatanggi.
Today, pumayag na kong sumama sa kanila dahil Friday naman at walang pasok bukas. And the most important reason is, may utang na loob ako sa kanilang dalawa.
Pagdating namin sa cake shop, umorder na kaagad si Wendy. Mukhang mahilig talaga siya sa cake dahil kabisado na niya kaagad kung ano ang masasarap na flavour.
"Shael, salamat." Nagulat ako sa sinabi ni Sophie.
Tahimik lang kasi kami kanina habang nasa counter pa si Wendy tapos bigla bigla pa siyang magpapasalamat.
"Ha? Para saan?" Sa pagkakatanda ko, wala naman akong nagawang tama sa kanila.
"Thanks for trying. Alam kong hirap kang magtiwala pero nararamdaman ko na unti unti ka nang nagiging open sa amin ni Wendy."
Aaa... Yun pala yung tinutukoy niya. Hindi ko rin naman akalain na bigla na lang gagaan ang loob ko sa dalawang 'to. Siguro, dahil, pinapakita talaga nila kung ano ang ugali nila. Kung sino ba talaga sila. Ganoon nga kaya?
"Huwag ka munang magpasalamat, Sophie. Mag iisang linggo pa lang tayong magkakasama. Hindi dahil tinulungan niyo ko, maalis na yung takot ko na magtiwala ulit. Pinipilit ko pero hindi ko magawa."
Hindi ko talaga magawa. Sa tuwing pipilitin ko ang sarili ko na alisin ang takot, may nangingibabaw pa rin sa'kin na huwag munang magtiwala.
"Dahil ba sa nangyari sa'yo dati? Na nabully ka. Na ginamit ka lang ng mga kaibigan mo. Na niloko ka lang nila. Sinaktan."
"P-paano mo nalaman?" Paano niya nalaman ang tungkol doon? Ni-isang estudyante sa school na 'yon wala akong pinagsabihan. Imposible namang nabasa niya ang diary ko dahil hindi ko naman dinadala yun.
"Pumunta ako sa school mo dati and I investigate. May nameet akong kabatch mo and she told me everything she knew about you."
P-pumunta siya sa dati kong school? Pero, bakit? Para malaman ang background ko? Kung anong nangyari sa'kin?
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
