Dedication: I dedicated this chapter to @trinamaecortez para sa continuous votes niya. Labyuuuu :)
SHAEL's POV
Napabangon ako dahil sa nagdo doorbell. Si Kuya Marco na siguro 'yun. Tumawag kasi siya kanina na malelate siya ng uwi kaya hintayin ko raw siya. Mabuti na lang at hindi ako nakatulog.
Mabilis kong sinuot ang sleeves ko dahil malamig na rin sa labas. Sinuot ko rin ang aking salamin at kaagad na rin akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto.
Paglabas ko sa may tarangkahan ay kinukuyog na siya ng mga knight nila Light.
"T-teka! Si Kuya Marco ko 'yan. Hindi siya kaaway no!" Sita ko sa kanila dahilan para matigilan sila sa pagkuyog sa kapatid ko.
"Takte. Ang sakit na tuloy ng katawan ko," reklamo naman ni Kuya.
"Pasensya na, prinsesa. Mukha kasi siyang kahina hinala e." Sabi naman ng isa sa mga knight na napakamot ng ulo.
"Kuya, bakit naman kasi masyado ka na atang ginabi?" Usisa ko nang makapasok na siya sa bahay. Umupo siya sa sofa na para bang pagod na pagod.
"Paano ba naman, pumunta ulit sa shop ko yung babae. Feeling ko talaga crush ako nun e." Tatawa tawa pang sagot niya habang iniikot ang balikat niya. Mukhang nabugbog nga talaga siya ng mga knight.
Umupo ako sa single sofa. "Sinong babae?"
"Yung babaeng nakwento ko sa'yo noong isang araw? Yung out of the blue umamin sa'kin na type niya ko?" Pagyayabang pa niya. Hindi ko siya maasar dahil talaga namang may itsura 'tong Kuya ko kaya hindi talaga imposibleng may magkagusto sa kanya.
"Nagpunta siya ulit kanina sa shop?" Tanong ko naman.
"Oo. Nagliligpit na nga ako kanina tapos nakita ko siyang nakatayo malapit sa shop kaya pinapasok ko muna. Mukha nga siyang malungkot kaya pinakain ko muna siya ng matamis." Pagkekwento pa niya.
May nasesense akong kakaiba kay Kuya Marco ngayon a? Hahaha.
"But you look happy, Kuya. Iba na ata 'yan," pang aasar ko naman sa kanya.
Bigla siyang umayos sa pagkakaupo na para bang ikinagulat niya ng sobra ang sinabi ko. "W-wala no. Tsaka, tigilan mo nga ko sa pang aasar mo. Parang ka-edad mo nga lang ang babaeng 'yun e."
Natawa na lang ako dahil namumula ang pisngi ni Kuya. "Okay. Sabi mo e. Pero sabi mo sa'kin dati, when it comes to love, AGE DOESN'T MATTER."
"Eeeeeee....." Parang pilit siyang nag iisip ng palusot para makatakas sa pang aasar ko. Hahaha.
"Okay lang, Kuya. Huwag ka nang magpalusot. Basta kung saan ka masaya, go na rin ako." Sabi ko naman sa kanya.
"That's my bunso!" Sabay kindat niya sa'kin. Flirt as ever.
"Nga pala, bunso. Anong nangyari kanina? Balita ko mainit ang ulo ni Tito?" Usisa niya.
"Pumunta dito si Light kanina. Sinubukan niyang kausapin si Papa pero pinangunahan 'to ng galit kaya ayun." Matamlay kong sagot. Simula kanina, hindi ko na nakausap si Papa. Hindi na naman kami okay.
"Hindi tuloy kayo magkaroon ng happy ending ni Francis." Pang aasar naman niya.
Nakwento ko na rin kasi kay Kuya Marco ang lahat ng nangyari kaya naiintindihan na niya ko. Pero hindi ko sinabi yung pangalan ng mga kontrabida sa kwentong 'to.
"Kuya, bakit ba galit na galit si Papa sa mga gangster na kagaya ni Light? Ano bang nangyari dati?" Pagtatanong ko. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na itanong 'to sa kanya. Lagi na lang kasing nauudlot e.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...