SHAEL's POV
Pinapasok na nila ko. Kahit pala dito sa headquarters mahigpit ang bantay. Lahat ng madadaanan ko, binabati ako at binibigyang galang.
Nakita ko rin siya sa wakas. Nakatayo lang siya at parang ang daming iniisip. Bakit kahit nakasibangot siya ang gwapo gwapo pa rin niya?
"Light." Pagtawag ko sa kanya nang makita niya na ko.
"Shael." Alam ko namang mabibigla siya dahil pinagbawalan niya kaming pumunta dito.
Sobrang miss na miss ko na ang taong 'to.
"Kapag pinili mo 'yang lalaking 'yan kesa sa pamilya natin? Kalimutan mo nang may ama ka."
Ang sakit. Paano ko ba magagawang layuan ang lalaking 'to?
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, kaagad ko siyang niyakap. Niyakap ng sobrang higpit.
"Anong ginagawa mo dito? Diba, sabi ko huwag ka munang pupunta dito?"
Hindi ba pwedeng hayaan niya lang akong makita siya? Hindi ba pwedeng wala munang rules rules?
Sa sobrang hirap ng nararamdaman ko, hinalikan ko na lang siya bigla.
Halik na sandali lang pero alam kong kakaiba.
Alam kong weird kasi babae ako tapos ako yung unang humalik. Pero ayoko nang pigilan ang sarili ko. Baka bukas o sa makalawa, wala na kong chance para gawin 'to.
"Pinuno, grabe naman. Sa sobrang sweet niyo, baka langgamin tayo dito." Narinig kong sinabi ni Lucas na kababa lang ata galing sa rooftop.
Napangiti na lang ako at kaagad kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko. Ayokong makita ni Light na umiiyak ako.
"Sira!" Sigaw ni Light at dahil namumula ang mukha niya, mas lalo pa siyang kinantyawan ng mga kasamahan niya.
"Pinuno, baka magkapamilya kayo kaagad niyan." Pang aasar pa ng isa sa mga alagad niya.
"Edi mabute." Malokong sagot naman niya dahilan para hampasin ko siya sa dibdib.
"Anong mabuti ha?" Natatawang tanong ko pa.
"Joke lang, be." Sabay halik niya sa noo ko.
Namiss ko yung pagtawag niya sa'kin ng BE kahit ang baduy baduy.
"Sinong kasama mong nagpunta dito?" usisa pa niya.
"Ako lang."
Biglang nagbago ang timpla ng mukha niya.
"Mag isa ka lang? Nasaan ang mga tao ko? Ang sabi ko sa kanila huwag kang hahayaang mag isa." Medyo napalakas na ang tono ng boses niya. "Noel! Ano bang pinaggagawa ng mga tauhan mo ha?"
Tinignan ko si Noel at mukhang nabigla siya.
Kaagad kong binatukan si Light dahilan para mapabungisngis ang mga kasama namin .
"Francis Light Rivero. Makinig kang mabuti sa'kin. Wala kang sesermonan at wala kang kakagalitan kahit na isa sa mga tauhan mo. Naiintindihan mo ba? Safe akong nakarating dito. Walang galos. Walang pasa. Hindi mo kailangan maghimutok dyan. Maliwanag?"
"Pero, hindi nila---"
Kaagad ko siyang hinawakan sa braso at kinaladkad papunta sa rooftop.
"Guys, maiwan muna namin kayo. Sa'kin muna ang pinuno niyo ngayon." Sabi ko naman kila Sam.
Naghiyawan naman silang lahat bilang pang aasar.
"Magsi ayos kayo ha!" sigaw pa ni Light sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
