Dedication:
I dedicate this chapter to @liezelquinones98. Thank you sa comment mo in Chapter 45. God speed :)
WENDY's POV
"Hija, hindi ka pa ba babalik? Hindi mo pa oras, hindi ba?" Sabi sa'kin nang isang babaeng nakatayo sa harapan ko. Hindi ko maalala kung saan ko nakita ang babaeng 'to pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.
Nasa isang magandang lugar kami. Parang malaking garden tapos may napakalinis na ilog dito. Ang dami pang magaganda at mababangong bulaklak. Napaka peaceful talaga kaya gugustuhin talaga nang sino man ang tumira dito.
"Ho? Nasaan po ba ako at saan ho ako babalik?"
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng babaeng 'to. Hindi ko rin alam kung nasaang lugar ako at bakit ako nandito pero nararamdaman kong parang may mali.
"Maraming naghihintay sa'yo, hija. Hindi mo pa oras kaya bumalik ka na."
"Sino po ba kayo?"
"Sa oras na bumalik ka, malalaman at maiintindihan mo ang lahat ng sinasabi ko. Magkikita ulit tayo sa takdang panahon, hija." Napakagaan ng ngiti niya.
Pinahiga niya ko sa damuhan at tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang palad niya. Nakangiti akong nakatulog at sa paggising ko, isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa'kin.
"Wendy? Wendy?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
Hindi ako masyadong makahinga dahil may nakalagay sa bibig ko. Puro puti ang nakikita ko at sobrang sakit ng ulo ko. Pilit kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalake na maluha luhang nakatitig sa'kin.
"Wendy? Doc! Doc!" Sigaw pa niya pero hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko.
Mukhang alam ko na kung nasaan ako.
Kusang tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Pakiramdam ko ang tagal kong hindi nakita ang lalaking 'to. Napapikit na lang ako ulit nang may iba nang pumasok sa loob ng kwarto. Mukhang ang mga doktor at nurse na 'to dahil isa isa na nilang tinanggal ang mga nakakabit sa katawan ko. Kung ano anong ginawa nilang test sa'kin hanggang sa nakatulog na ulit ako. Pero sa pagtulog ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng kamay ng taong mahal ko na nakahawak sa kamay ko.
Paggising ko, ang dami nang nakapaligid sa'kin. Medyo nasisilaw na naman ako dahil sa liwanag.
"OMG! Gising ka na!"
"Wendy, namiss kita!"
"Salamat naman at gising ka na!"
"Ang pinsan kong pasaway gising na rin!"
Tinignan ko sila isa isa. Muli na namang tumulo yung luha ko. Namiss ko sila ng sobra. Ito na ba yung kulang sa'kin habang nananaginip ako? Malinaw sa'kin ang mga mukha nilang lahat. Mangiyak ngiyak sila sa tuwa.
"Guys, bakit kayo ganyan? Sobrang tagal ko bang natulog?" Biro ko pa.
Medyo masakit pa ang ulo ko pero sobrang namiss ko talaga sila.
Inayos ni Gab ang kama ko at inalalayan naman ako ng pinsan ko na umupo.
"Sira ka talaga! Halos isang buwan ka lang namang natutulog." Sabay yakap sa'kin ni Sophie.
Niyakap ko rin siya nang mahigpit. Namiss ko ang bestfriend ko. Pero ano raw? Halos isang buwan akong natutulog?
"Halos isang buwan mo rin kaming hindi pinapatulog." Sabi naman ng pinsan ko nang guluhin niya ang buhok ko.
"Wendy, uminom ka muna ng tubig." Alok sa'kin ng lalaking alam kong never akong iniwanan. Kinuha ko ang inabot niyang tubig at kaagad ko 'tong ininom. Hindi ko alam pero parang uhaw na uhaw ako.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...