A/N: Sam and Noel at the multimedia.
SHAEL's POV
Letting go from the things I can't even admit.
Nakakatawa pero ito ang dapat.
After kong ayusin sa kwarto ang mga gamit ko, umakyat na ako sa rooftop. Nadatnan ko si Light na nag aayos ng ihawan. Dumating na rin pala sila Sam, Noel at Rocky. Maliban na lang sa apat na may LQ (Wendy, Gab, Sophie and Lucas).
"Mag-iihaw ba tayo?" Tanong ko nang lapitan ko sila.
"You got it right!" Biro pa ni Rocky habang iwina wagayway ang hawak hawak niyang tong.
Barbeque? Bigla kong naalala si Papa. We used to grill barbeque before noong nasa bansa pa siya. Lalo na kapag birthday ni Mama kasi favorite niya ang barbeque. Naalala ko rin yung tinuro sa'king recipe ni Mama. Sauce 'yun ng barbeque na walang kaparis ang sarap. Hahaha!
"Ano... Gusto niyo gumawa ako ng sauce ng barbeque?" I asked.
Napatingin silang lahat sa'kin, pati na rin si Light. Hindi na ko magtataka kung bakit sila nagulat. Simula nang nakilala nila ko, ngayon lang ako nagvolunteer.
"Wow... nagbago ka na talaga, Trisha." Si Noel na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
OA naman nito.
"Ayaw niyo ba o gusto niyo?" Heto na naman ang pagtataray ko.
"Oo. Gusto namin, Trisha. Huwag mo nang pansinin si Noel." Si Rocky nang akbayan niya si Noel.
Hindi ko na sila pinansin. Pababa na sana ako ng rooftop nang biglang nagsalita si Light whose currently preparing the grill.
"Shael! Saan ka pupunta?"
"Bibili ng ingredients." I answered.
"Sinong kasama mo?" Ang kulit niya talaga.
"Ako lang."
Hindi ko na hinintay yung susunod niyang sasabihin. Bumaba na ko kaagad. Pagkakuha ko ng wallet ko sa kwarto, dire diretso na kong lumabas. Naririnig kong tinatawag ako ni Light pero hindi ko siya nililingon hanggang sa nasa kalye na kami.
"Shael! Ang sungit mo naman! Meroon ka siguro ngayon no?"
Bigla ko siyang tinignan nang masama.
"Joke lang!"
Subukan pa niyang mang asar, lagot siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
