My Romantic Destroyer 27

1.3K 26 3
                                    

SHAEL's POV


Ibang klase talaga si Bea. Pati ba naman ang Lola ko dinamay pa niya? Akala siguro niya big deal sa'kin ang relationship namin ni Lola. Siguro nga nagawa niyang dagdagan ang galit ni Lola sa'kin. Pero wala na kong pakialam sa kanya. Bruha siya.


Speaking of... mukhang masisira na naman ang umaga ko.


Papasok pa lang ako ng gate ng school, nakasalubong ko na siya. As usual, kasama ang mga alipores niyang palaka.


"Ow. Good morning, little bitch." Bati niya sa'kin.


Wow ha. Nagsalita.


"Ow. Good morning din, little SPOILED BRAT." Diniin ko talaga sa kanya ang salitang spoiled brat. Totoo naman e.


HAHAHA. Halatang nainis siya dahil tumaas ang kanang kilay niya.


"What did you just say?"


"Paulit ulit? Bingi ka ba para ulitin ko pa?"


Natawa ang ibang mga estudyanteng nakikichismis sa usapan namin na ikinapahiya niya.


"Matapang ka talaga ha? Pagsisisihan mo 'to, Trisha Elizabeth Ramos!" Sigaw niya.


"Okay. Fine. Magsusumbong ka na ba sa Kuya mo?"


"You!" Inis na inis na siya.


Napansin ko na parang naging seryoso ang lahat ng taong nakapaligid sa'min. Ganoon ba nila kinatatakutan ang grupo ni Brent? Bakit sila natatakot kung nandyan naman ang grupo ni Light?


"Whatever." Sabi ko at lumayo na ko sa kanila.


"Hey! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin.


Pagdating ko sa classroom, wala pang tao. Mukhang napaaga ako.


Hindi ako sinundo ni Light. Siguro, masama ang loob niya dahil sa nangyari kagabi.


Hindi ko naman siya masisisi. Nakakatakot talaga si Mama kagabi. Kahit ako natakot. Pero sabi niya naman kanina bago ako umalis, gusto raw niyang makabawi kay Light kaya yayaain ko raw na magdinner sa'min. Ang gulo nga niya kasi kakasabi niya lang kagabi na makipaghiwalay na ko kay Light tapos gusto niyang yayain ko?


Biglang bumukas ang pinto ng classroom. Pumasok ang kambal. Nung nakita nila ko, si Luke Marcus nginitian ako habang si Luke Martin naman ang sama ng tingin sa'kin. Yung tingin na sinasabing 'GET LOST'?


"Tri—" tatawagin ata dapat ako ni Marcus pero bigla siyang pinigilan ng kakambal niya.


"Marcus."


"Bakit? Masama bang batiin siya?"

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon