SOPHIE's POV
"I think we need to go. May appointment pa kasi ako. Bibigyan namin kayo ng panahon para makapag isip." Sabay tayo ni Kuya Sander. Inalalayan na rin niya kong tumayo pero hindi ko maalis ang tingin kay Lucas.
Anong klaseng lalake siya? Bakit hindi niya ko kayang panindigan sa mga magulang niya?
I hate you, Lucas. I hate—
"Mom, Dad. Sophia Grace is my girlfriend." Hindi ko alam kung anong irereact ko nang sabihin 'to ni Lucas. Pwede ba niyang ulitin? Nagba-buffer pa kasi sa utak ko.
"A-anak, ano bang pinagsasabi mo dyan?" si Mrs. Jimenez na pilit tinatawanan ang kanyang naririnig. "Nako, Mr. and Mrs. Felizilda, pasensya na kayo sa anak ko. Ganyan talaga yan kapag nakakakita ng magagandang babae."
Nagpanggap na rin ang mga Felizilda na natatawa sa sinabi ng Mommy ni Lucas.
Nanlalamig na ang tuhod ko at parang gusto ko na lang ulit maupo pero biglang nag iba ang aura ni Lucas. Napasuntok siya bigla sa lamesa dahilan para makuha niya ang atensyon ng lahat. Galit na siya.
"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko? Girlfriend ko si Sophia Grace Martinez kaya hindi ako magpapakasal kay Eunice Felizilda. Kailangan ko pa bang ulitin para maintindihan niyo?"
"Lucas!" Sita sa kanya ni Mr. Jimenez.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ko dahil sa pagko-confess ni Lucas tungkol sa'ming dalawa or hindi ako matutuwa dahil mali ang paraan niya ng pagkakasabi nito?
Tumayo si Lucas at lumabas ng restaurant.
"P-pasensya na kayo, Mr. and Mrs. Felizilda, mukhang tinotoyo na naman ang anak ko ngayon." Sabi naman ni Mrs. Jimenez.
"Miss Sophia Grace," pagtawag sa'kin ni Mr. Jimenez na ikinagulat ko. "Totoo ba ang sinabi ng anak ko? Na ikaw ang girlfriend niya?"
Napatingin ako kay Kuya Sander at nginitian niya lang ako bilang sign na sumagot ako.
"O-opo. Boyfriend ko po si Lucas. Pasensya na po sa inasal niya."
Napatingin ako kay Eunice. Nakatingin lang siya sa'kin. Malamig na tingin.
"Anong ibig sabihin nito, Mr. Jimenez? Akala ko ba wala pang kasintahan 'yang anak mo?" Galit na sabi ni Mr. Felizilda.
"What about our daughter?" Dagdag pa ni Mrs. Felizilda.
"Huminahon kayo, Mr. and Mrs. Felizilda. Kakausapin namin ang anak ko tungkol dito. Pasensya na kayo." Mahinahong tugon ni Mr. Jimenez.
Umalis na rin kami ni Kuya dahil magulo na rin ang sitwasyon. Tinawagan ako ni Shael at sinabi niyang sinundan nila si Lucas. Nasa isang beach house sila ngayon. Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba siya o ano dahil naguguluhan na rin ako. Pakiramdam ko mali ang ginawa ko at ang naging desisyon ko.
"Baby girl." Pagtawag sa'kin ni Kuya habang nasa byahe kami pauwi.
"I hope, hindi mo pinagsisisihan ang naging desisyon mo." Dagdag pa niya.
Pinagsisisihan ko nga ba?
"Kuya, pakiramdam ko kasi mali yung ginawa ko."
"Ma'am, ayoko pong makiepal sa problema niyo dahil secretary niyo lang po ako pero sa tingin ko wala naman pong mali sa ginawa niyo. Pinanindigan niyo lang naman po yung pagmamahalan niyo ni Sir Lucas." Sabi naman ng secretary ko na nakaupo sa tabi ng driver. Nagpaiwan na rin siya sa sasakyan kanina dahil baka raw makagulo lang siya.
"Pero, may natatapakan kaming ibang tao."
"Baby girl, sa tingin mo ba hindi mali ang magpakasal sa taong hindi mo naman mahal? Magsisisi ka lang habang buhay kapag nangyari 'yun, diba?" Sabi naman ni Kuya Sander.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...