Dedication: I dedicated this chapter to @katrinamgarde. Hindi ko na kailangan maghalungkat ng notifications para mapansin ang pagiging active niya. Hahaha. Salamat, bunso, sa tuloy tuloy mong comments and votes. Labyuuu. :)
A/N: May scene sa chapter na 'to na inspired sa movie na Confessions. Maganda yung movie na 'yun kung mahilig kayo sa Mystery/Thriller panoorin niyo. :)
SHAEL's POV
"Okay, Miss Ramos, answer the first equation on the board," sabi ng Math teacher namin.
Kaagad akong tumayo at lumapit sa blackboard. Kumuha ako ng chalk at sinimulang sagutan ang equation na ibinigay ni Ma'am. Pagkatapos kong sagutan ay bumalik na ako sa pwesto ko. Bago pa man ako umupo ay nahagip ng mata ko si Luke Martin na malamig na nakatingin sa'kin. Hindi ko na lamang siya pinansin at diretso na kong umupo.
Pagbuklat ko ng kwaderno ko ay isang sticky note ang nakita ko. Wala naman 'to kanina bago ako sumagot a?
Tinignan ko si Rocky na katabi ko lang pero nakayuko lang siya sa desk niya at nakapikit. Mukhang malalim na ang tulog niya kaya imposibleng siya ang naglagay nito.
Binasa ko ang nakalagay sa note,
I thought you're different but I guess I was wrong.
- - LM
LM? Napalingon ako sa nasa likod ko na si Luke Martin pero kagaya kanina, malamig pa rin na tingin ang ibinigay niya sa akin. Sa pagkakaalam ko, silang dalawa lang naman ng kakambal niya ang may initials na LM at malayo si Luke Marcus kaya sigurado akong ang lalaking nasa likuran ko ang naglagay nito.
Ilang araw ko pa bang mararamdaman sa kanila na hindi ako yung taong inaakala nila? Na binigo ko sila? Hindi ko rin ginusto ang mga nangyayari pero ano pa nga bang magagawa ko?
Teka. Siguradong may magagawa pa ko. Hindi ko pwedeng sundin si Rocky at maghintay na lamang sa susunod na hakbang nila Brent. Kung hawak man nila ako sa leeg ngayon, pasikreto akong lalaban sa kanila.
Pero bago ako makagawa ng sarili kong hakbang, mukhang kailangan ko munang makausap ang taong 'yon.
Nakita kong inis na inis ang mga maarte kong kaklase nang tawagin sila ni Ma'am para magsagot din sa blackboard. Ayan, tama talaga ang tingin ko sa kanila. Magaling lang sila pagdating sa pakikipag tsismisan.
Nahagip ng mata ko si Ashley na nakaupo naman sa pangalawang row. Napatingin din siya sa'kin. Inaasahan kong titignan niya ko nang masama pero hindi 'yun ang nangyari. Tinitigan niya lang ako gamit ang malalamig niyang mga mata. Walang emosyon pero parang may gusto siyang sabihin.
Nasira lang ang aming pagtitigan nang biglang tumunog ang bell sign na uwian na.
"Okay, class. Answer your workbook for your homework, page 158. See you on Monday." Pagpapaalam ng teacher namin at kaagad na rin siyang lumabas ng classroom.
Hindi pa rin nagbabago ang klase, hindi pa rin kami nagpapaalam sa mga teacher namin.
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at natigilan lamang ako nang mapansin kong mahimbing pa rin na natutulog si Rocky sa desk niya. Mas pinili ko na lang na hintayin siyang magising dahil mukhang antok na antok talaga siya. Ano kayang pinaggagawa nito sa gabi at parang laging puyat?
Isa isa nang naglabasan ang mga kaklase ko. Hindi rin pumasok si Light pero okay na rin 'yun para hindi kami nahihirapan pareho.
Gagawin ko na sana yung pinapagawang assignment ni Ma'am para wala na kong gagawin mamaya sa bahay pero napansin ko ang babaeng nakaupo pa rin sa pwesto niya. Bakit hindi pa siya umaalis?
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...