My Romantic Destroyer 48

987 17 1
                                    

SHAEL's POV

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay nagpaalam na rin si Odette sa pamilya ko.

"Trisha, huwag na huwag mong bibitawan si Francis. Ipinapaubaya ko na siya sa'yo," nakangiti pa niyang sabi bago siya tuluyang sumakay nang sasakyan niya.

Habang ako, naiwang nakatitig sa papalayo niyang sasakyan. Parang napakarami kong bibiguing tao dahil sa gagawin ko. Kung may isang milagro lang talagang mangyayari sa pamilya ko, baka pwede pang mabago ang lahat.

Pagdating ng alas kwatro ng hapon ay naligo ulit ako. Kahit ayoko at napipilitan lang ako, gumayak na rin ako para sa dinner namin ni Rocky. Sinabi ni Mama na susunduin ako ng lalaking yun dito mismo sa bahay pero tumanggi ako. Nandito ang mga tauhan ni Light at ayokong magtaka sila kung bakit sinundo ako ng dating pinuno ng Black Royals.

Ibinigay naman sa'kin ng matino kong Lola ang number ng lalaking 'yon kaya ako na mismo ang nagsabi sa kanya na hintayin na lang niya ko sa kung saang restaurant man kami magkikita. Tuwang tuwa naman ang loko nang kausap ko siya na ikinais ko ng sobra.

Nakiusap na rin ako kay Papa na kung pwede na ang mga tauhan ng kumpanya ang maghatid sa'kin sa kakainan namin ni Rocky para naman hindi na ko bantayan pa ng mga tauhan  ni Light. Naalala ko kasi noong pasko na hinayaan na nila ko noong alam nila na kasama ko ang mga bodyguard ni Lola.

Hindi na ko masyadong nag ayos dahil hindi deserving ang lalaking 'yon para bigyan ng effort. Pagkatapos kong gumayak ay kaagad na rin akong bumaba sa sala kung saan naabutan kong naghihintay sila Papa at Mama.

"Napakaganda talaga ng prinsesa namin," si Mama nang salubungin ako habang si Papa ay tahimik lang na nakatitig sa'kin.

"Pa—"

"Nasa labas na ang sundo mo. Kapag may ginawa sa'yo ang lalaking 'yon na hindi mo nagustuhan, tawagan mo lang kami ng Mama mo," sabay yakap sa'kin ni Papa.

Pagkatapos kong magpaalam ay kaagad na rin akong umalis. Sinabi ko kay manong driver kung saan kami magkikita ni Rocky. Mabuti na lang at hindi ako nahirapan kausapin ang mga tauhan ni Light pero alam ko rin naman na nagdududa na sila. Konting tiis na lang sa pagsisinungaling. December 31 na sa makalawa. Magsisimula na ang pasakit ko.

Pagdating ko sa restaurant, kaagad akong inasikaso ng dalawang waitress at dinala nila ako sa kinaroroonan ni Rocky.

"Gorgeous as ever," nakangising bati niya. Tinignan ko lang siya ng masama dahilan para matawa siya.

"Hey, galit ka ba sa'kin? Hindi ako ang nagplano ng dinner na 'to. I'm also surprised." He continued.

"You're asking me kung galit ako sa'yo? Tinatanong pa ba 'yan? Since the day na malaman kong tinraydor mo kami, kinamuhian na kita. And every time I see your face, mas lalong umiinit ang dugo ko sa'yo, Stephen Rocky Herrera," nanggigigil kong sagot sa kanya.

Dumating na ang mga pagkain. Siguro ay umorder na ang traydor na 'to bago pa ko dumating.

"Enjoy your date, sir and ma'am." Sabi pa ng waiter at nang ngitian siya ni Rocky ay kaagad na rin 'tong umalis.

This is not a date. This is a nightmare.

Kakausapin ko na si Rocky. Kailangan makumbinsi ko siyang iurong ang arrange marriage. Kapag nangyari 'yon, hindi ko na kailangan layuan pa sila Light. Kakausapin ko na lang si Papa tungkol doon. Alam ko namang matatanggap niya rin ang mga kaibigan ko sa oras na mapatunayan nila na mabubuti silang tao.

Pero paano sila Brent at Bea? Paano na ang Class 4F?

Sabi nga nila Ashley, kailangan kong magtiwala kila Light. Nakapagdesisyon na ako na sa oras na makumbinsi ko si Rocky, buong loob na kong magtitiwala kila Light. Matapang ko nang haharapin sila Brent. Dahil hindi 'to matatapos kung patuloy akong tatakbo.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon