My Romantic Destroyer 14

1.5K 17 2
                                    

A/N: The Twin Brothers, Luke Marcus and Luke Martin at the multimedia.


TRISHA's POV 


"Accident?"


Tumango siya. "Muntik muntikan na kong mamatay, Shael. Because of bullying."


Because of bullying? Ganoon kagrabe yung nangyari sa kanya?


"What do you mean? Ano bang nangyari sa'yo?" usisa ko.


"I guess, I need to go back 3 years from now."


"Okay lang kung hindi mo kayang sabihin sa'kin."


Alam ko ang pakiramdam na maalala mo lahat ng mga memories na dapat kinakalimutan na at hindi na dapat binabalikan. Yung pakiramdam na parang nangyayari ulit sayo lahat ng nangyari noon. Bumabalik ulit yung sakit na naramdaman mo. Yung mga mukha ng taong nanloko at nanakit sa'yo. Sobrang hirap.



"Okay lang, Shael. Diba nga sabi ko sayo, makikilala mo na ko starting this day? So, let me share it with you." Nakangiti si Sophie nang sabihin niya sa'kin 'to.


Bakit ganoon? Bakit parang ang dali sa kanyang balikan ang lahat?


"Back when I was 13 years old, 1st year high school. Transferee lang ako noon sa isang Private school malayo dito kaya wala akong kakilala. Kagaya mo, lagi akong mag isa. Hirap akong mag approach sa mga kaklase ko. Pero one day, habang nagbabasa ako ng libro sa library, may babaeng lumapit sa'kin.


She asked me if there is someone sitting beside me. Noong malaman niyang wala, umupo na siya doon. She's a very talkative girl at mabilis kaming naging close. Day by day, lagi ko siyang nakikita sa library. Kinuha na rin niya yung number ko para daw nakocontact niya ko."


Siguro yung babaeng kinukwento ni Sophie, sobrang naging mahalaga sa kanya. Hanggang tenga kasi yung ngiti niya habang nagkekwento siya.

  

"...Her name is Alice. Everyday kaming nagkikita. Kung hindi kami sabay maglalunch, sabay naman kaming uuwi. Kapag weekends, lalabas kami para mamasyal o manood ng sine.


Siya lang ang nag iisang taong naging kaibigan ko that time. Pero she helped me gain more new friends. Pinakilala niya ko kung kani kanino. Dito na rin nagsimulang lumapit sa'kin ang iba kong mga kaklase.


Marami na rin ang mga kumakausap sa'kin. Pero iba pa rin yung closeness namin ni Alice. Naging magbest friend na rin kami. Nagsheshare kami ng kahit anong bagay. Damayan sa saya at lungkot. Parang siya ang naging pampaswerte ko nun kasi nga simula nang makilala ko siya, dumami na rin ang mga kaibigan ko, may nag-iiwan na ng mga love letters sa locker ko at alam niya yon dahil hindi kami nagtatago ng sikreto sa isa't isa."


Dumating na yung mga food na inorder namin kaya naudlot yung pagkekwento niya. Ang dami naman nito. Mauubos kaya namin to ni Sophie? Pero mukhang masarap lahat.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon