My Romantic Destroyer 13

1.6K 17 1
                                    

A/N: Sophie's Kuya Sander at the multimedia.


TRISHA's POV 


2 weeks.


It's been 2 weeks since na mag usap at magkaayos kami nila Sophie and Wendy. At simula noong araw na yun, mas lalo na nila kong pinrotektahan. They never leave me alone.


Kahit si Francis, pati na rin ang mga alagad niya, lagi kaming magkakasama. Kahit nga magsi-CR lang ako, sasamahan nila kong lahat.


Kasama ko sa loob ng CR sila Wendy and Sophie, habang sila Francis nakabantay lang sa labas. Kapag kakain naman kami ng lunch, bumibili na lang kami sa cafeteria at didiretso kami sa isang bakanteng classroom para doon kumain. Hatid sundo rin nila ko.


There was a time na sinubukan akong lapitan ni Bea at ng mga alipores niya pero hindi nila nagawa dahil dumating kaagad sila Francis. Naaawa ako sa babaeng 'to. Sa sobrang pagmamahal niya kay Francis, wala na siyang tinira para sa sarili niya.


Sobrang nagtataka pa rin ako kung bakit ganoon na lang sila kaprotective sa'kin. Si Bea lang anman ang problema e yakang yaka ko naman yung babaeng yon. Pakiramdam ko may iba pang dahilan e. Pero sa tuwing tinatanong ko sila Wendy, ang sasabihin lang nila sa'kin, MALALAMAN MO RIN SA TAMANG PANAHON.


Hays.


Nakaalis na rin si Papa. Bago siya umalis, namasyal muna kami sa mall, kumain sa labas at nanood ng sine. That was the happiest day with my family ever since na umalis si Papa. I thanked him for all of his advices that he had given to me the same night when he got home.  


Hinatid namin siya sa airport. Kasama namin sila Wendy at ang tropa ni Francis sa paghatid. Alam niyo na, pinilit nila ko. Gusto raw kasi nilang makilala ang Papa ko.


Nangako si Papa na uuwi siya ulit after a year. He promised. I'll miss him.


At ngayon nga, nasa rooftop kami nila Wendy, nagrereview kami ng History dahil may long test kami mamaya.


Akalain mo yun? Napilit ko sila Francis, Gab at Lucas na magreview? HAHAHA. Mga tamad kasing magsipag aral 'tong tatlong 'to e. Maya maya lang naramdaman ko na kailangan kong magCR.


I close my book and said, "Magsi-CR lang ako." Pagtayo ko, hinawakan ni Francis ang kamay ko who was sitting right beside me.


"Sasamahan na kita."Sabi niya..


Isinara rin nila Wendy ang libro nila. "Kami rin."


"Hey, no need. Paglabas ko ng pintong yan, may malapit ng CR. I can take care of myself that way." Sabi ko naman.


"Hindi pwede." Makulit talaga 'tong lalaking 'to e.


"Fra—Light. I swear. Hindi ako mapapahamak. Tsaka if ever man na makasalubong ko si Bea, I'll promise, sisigaw ako." Sana mapilit ko na siya no. Naiihi na kaya ko.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon