A/N: Ang kinaiinisang ngiti ni Shael kay Francis/Light at the multimedia.
TRISHA's POV
"I'll kiss you if you can't stop calling me like that." At umigsi na naman ang distansya ng mga mukha namin sa isa't isa. I can feel his breath against mine.
Ayoko ng nararamdaman ko ngayon. My knees have weakened at dahil 'to sa lalaking nakayakap sa'kin ngayon.
"E kung sapakin kaya kita?" Matapang kong sagot.
"Ang sungit mo talaga no." Sabay tawa niya nang malakas.
"Can you please let me go?"
"No. I won't." Ano bang problema ng lalaking 'to? May saltik ata 'to e.
"Ano bang gusto mo ha? Just let me go."
"Then, stop calling me Francis Light Rivero." Anong gusto niyang itawag ko sa kanya? Makulit?
"Oo na. Ano namang itatawag ko sa'yo? Makulit?"
Muli ko na namang narinig ang tawa niya. "Pwede rin yun a. Pero, I want you to call me Light."
Light? Yung second name niya?
"Bakit naman?" Usisa ko.
"Matanong ka talaga no?"
"Oo na. Light kung Light. Now, let me go."
Binitiwan niya na 'ko. Hindi ko alam pero napapangiti ako kaya lumayo kaagad ako kay Francis este kay Light pala. Baka mamaya kung ano pang isipin niya.
Lumapit ako sa may railings ng rooftop kung saan matatanaw ko yung buong lugar. Kitang kita ko nga ang eskwelahan namin mula dito e. Ang ganda.
"Alam mo, tanggalin mo lang yung salamin mo tapos lagi kang ngingiti, gaganda ka na."
Psh. Bigla bigla na lang siyang susulpot. Ang hilig niyang manggulat.
"I don't care. Masaya na ko sa ganito. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para magustuhan ako ng ibang tao."
"E paano ka mananalo sa dare natin niyan nila Jane kung hindi mo babaguhin ang sarili mo para magustuhan kita?" Nakangising tanong pa ng makulit na 'to.
So, ang type niya is yung magaganda. Yung mahilig mag-ayos at seksi na siyang kabaligtaran ko. Bakit ba mas importante sa kanila ang itsura?
"Ganyan ba talaga kayo? Mas importante sa inyo na maganda ang isang tao for you to love her? What a stupid guy." Makaalis na nga lang. Nakakabadtrip.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...