My Romantic Destroyer 2

4K 46 1
                                    



TRISHA's POV


"Sino ka rin?"


Aba. Ako ang unang nagtanong! Loko 'to!


"May amats ka pala e! Ako ang unang nagtanong tapos ipapasa mo sa'kin? Tsaka ibaba mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.


"Napakasungit mo naman. Ikaw na nga 'tong sinalo, ikaw pa ang galit dyan. Mga babae nga naman," after nya 'tong sabihin ibinaba niya na 'ko.


"Oy, Francis. Anong kaguluhan 'to? Wala kayo sa palengke. Nandito kayo sa Library." Nasita tuloy kami ni Miss Librarian.


Francis pala ang pangalan ng gwapings na 'to. Pero hindi porket pogi siya e magpapacute na ko sa kanya.


Hindi ako katulad ng mga babaeng 'yon. Ang tinutukoy ko is 'yung mga naging kaklase ko noong 1st year high school pa lang ako. They were all bitches. Wala silang ibang inatupag kung hindi ang mga boyfriend nila at ang mga ibang lalake. Puro lovelife ang nasa utak.


"W-wala naman, Mama. Muntik na kasing mahulog mula sa hagdanan 'tong babaeng 'to. Sinalo ko lang. Kaya lang, tinulungan ko na nga, sinungitan pa ko," sagot ni Francis na nakatingin pa sa'kin nang masama.


Ano daw? Mama? Mama niya 'tong librarian?


"Is that true, Miss?" Tanong sa'kin ng Librarian.


"O-opo, Ma'am. Sorry po." Tss. Nakakahiya. 


"That's ok. Be sure to keep your silence. Nasa library kayo at hindi pwede dito ang maingay."


"Yes, Ma'am."


"Francis, sumunod ka sa'kin." At umalis na rin yung Librarian. Sumunod naman sa kanya 'yung lalaking nakasalo sa'kin.


Mama niya yung librarian? Kaya siguro siya nandito. Hmf. Bakit yun ang iniisip ko? Nakuha ko naman na 'tong libro. Makakapagbasa na 'ko.


FRANCIS' POV


Ang sungit naman ng babaeng sinalo ko.  Siya na nga 'tong tinulungan e.


"Francis, bakit ka na naman nandito? Huwag mong sabihing ubos na ang allowance mo?"


Mukhang wala ata sa mood si Mama ngayon? Magkasalubong na naman ang kilay niya e. Hahaha! Tapos nalaman pa niya kung ano ang ipinunta ko dito.


"May binayaran kasi ako, Ma, kaya nabawasan ang allowance ko."


"Ano namang binayaran mo? Siguraduhin mo lang na magagamit mo sa pag-aaral 'yan. Nako, kung hinde, malilintikan ka sa'kin."


"Oo na, Ma. Bigyan niyo na ko ng 500."


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon