My Romantic Destroyer 11

1.7K 26 2
                                    


TRISHA's POV


"Miss Ramos, sumunod ka sa'kin sa faculty room para sa special quiz mo." Sabi ni Ma'am bago siya umalis ng classroom namin.


"Yes, Ma'am." Kaagad kong inayos ang mga gamit ko para makasunod kaagad ako kay Ma'am sa faculty. Gusto ko na rin makauwi ng maaga.


"Anong special quiz?" Tanong naman nung makulet.


"Wala 'yon."


"Ano nga? Hindi ka rin ba pumasok kahapon?" Ang kulit niya talaga.


"Pumasok ako. Diba nga, sinundo mo pa ko? Hindi ako nakapagtake ng quiz kahapon dahil nga nasa bahay ako ni Joey." Ayan. Sinabi ko na nang manahimik siya.


"Mas pinili mong pumunta kila Joey kesa magtake ng quiz? Ganoon ka na ba niya na impluwensyahan?" Sabay tayo niya.


Medyo napalakas ang boses niya kaya pinagtinginan na kami ng mga kaklase namin. Kasama na sila Wendy.


"Francis, pwede bang hinaan mo yung boses mo? At saka pwede ba? Huwag ka munang magreact dyan kung hindi mo naman alam ang buong kwento."


"Shael, anong nangyayari?" Usisa ni Wendy. Pero tinignan ko lang siya at kaagad kong binitbit yung bag ko.


Hindi ko na siya sinagot dahil alam kong hahaba pa ang usapan na 'to. Lumabas na lang kaagad ako ng classroom.


Gusto ko nang umiwas sa kanila. Gustong gusto ko na.


Pagpasok ko sa faculty, pinaupo muna ko ni Ma'am sa may Student's area dahil may biglang dumating na magulang na kailangan niya munang kausapin.


Haaay nako. Matatagalan kaya ang pag-uusap nila? Gusto ko nang umuwi e. Bigla kasi akong kinabahan habang naglalakad ako papunta sa faculty.


5 minutes...



10 minutes...



20 minutes...



Aist! Ang tagal nilang mag-usap. Inaantok na tuloy ako. Ang lamig lamig kasi dito sa faculty. Air conditioned.


Kinuha ko na yung phone ko para matext si Mama. Sinabi ko na malelate ako ng uwi dahil magtetake ako ng special quiz. A few minutes later, nagreply na siya.


'Okay, anak. Ingat mamaya sa pag-uwi.'


Nagreply ako. Tinanong ko kung nakauwi na ba siya at kung saan siya nagpunta pero ang tagal na niyang magreply.


My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon