TRISHA's POV
He hug me from the back.
"Don't go. Dito ka lang."
"Don't fool me!" Tinulak ko siya palayo.
Tumawa na naman siya nang malakas.
Heto na naman siya. Tumatawa nang hindi ko alam ang dahilan.
"Ano na namang tinatawa mo dyan?"
"Kinabahan ka no? Kinilig ka sa ginawa ko no? Ang bilis ng heartbeat mo e! Hahaha!"
So, he's making fun of me?
"Stupid! Alam mo kung pinapunta mo lang ako dito para pagtripan, you'll regret it!"
"Bakit? Anong gagawin mo sa'kin ha?"
"Soon, you will know."
"Akala ko pa naman nag-uusap na kayo. Nag-aaway lang pala kayo." Sophie interrupted.
"Tinry ko lang naman siyang asarin. Pikon kasi e." Sabi pa ni Francis. Inirapan ko nga.
"Shael, ganyan talaga 'yang lalaking yan. He will never change. By the way, Francis, magseryoso ka na nga. Sabihin mo na sa kanya. It's getting late." Paalala ni Sophie.
Nagbukas na naman ng coke in can si Francis. Softdrinks pala yung iniinom niya kanina. Ngayon ko lang napansin.
Uminom muna siya at napansin ko na seryoso na ulit siya. Moody rin 'tong taong 'to e.
"Shael, I know na ayaw mong magtiwala sa amin but once na magsalita ulit si Francis, you need to believe in him. No matter what he says." Dagdag ni Sophie
Ayoko ng ganito. Parang ayoko nang makinig sa sasabihin ni Francis. Pero, mukhang huli na ko para tumutol pa.
"Trisha Elizabeth Ramos, you're the next victim." Sabi ni Francis.
Ano daw? Next victim? Trip na naman ba 'to?
Pero, sabi ni Sophie, kailangan kong maniwala sa lahat ng sasabihin ni Francis.
"Yung naglagay ng note sa locker mo ay ang ex-girlfriend ko na si Bea. Beatriz Cortez. At yung lalaking nagpapunta sa'yo sa bakanteng lote ay si Joey. Isa siya sa mga kasamahan ni Bea sa mga masama nilang binabalak."
Bea? Ex-girlfriend?
Joey?
"Anong connection ko sa kanila?"
"Si Joey, mga bagong transferee ang binibiktima niya. He will make any move para lang mapaalis sa school na 'to ang mga bagong estudyante."
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...