A/N: Jasmine, as Miss Sexy Eraser, at the multimedia.
SHAEL's POV
"For today's rank, ang nangungunang section na nakakuha ng pinakamataas na points ay ang 4th year section F!"
Hiyawan at sigawan ang umalingawngaw sa classroom namin ng inanunsyo 'to ng Student Council President sa speaker. Hindi na ko magtataka dahil mag aala-sais na ng hapon pero hindi pa rin umiikli ang pila sa host club namin. Kung hindi pa kami tinulungan ng isa sa mga Student Council Officers, hindi mapapakiusapan ang mga babaeng nakapila na bumalik na lang bukas. 6pm kasi dapat nang itigil ang lahat ng events. By 7pm naman dapat nakapagreport na ang bawat class representatives sa Student Council about sa nangyari sa maghapon. And after no'n, tsaka lang kami pwedeng umuwi.
Pagbalik ni Wendy galing sa SCO (Student Council Office), nagpasalamat siya sa aming lahat dahil sa cooperation ng bawat isa. Naaamoy na raw niya ang tagumpay ng section namin. Nakakatuwa dahil halos lahat ay may ngiti sa kanilang mga labi. Malayong malayo sa first day ko silang nakita.
"Syempre, dapat rin tayong magpasalamat sa tatlo nating prinsipe na walang sawang nag entertain sa mga girls." dagdag pa ni Wendy nang ituro niya sila Lucas, Gab at Light na magkakatabing nakaupo sa sofa.
"FYI, MAKUKULIT NA BABAE," biro pa ni Lucas dahilan para magtawanan ang lahat.
Nasa may pintuan ako pero kitang kita ko pa rin si Light. Buong araw kaming hindi nag uusap, walang pansinan o kung ano pa man. Siguro, nagalit talaga siya sa'kin. Aminado naman akong masasakit na salita ang nabitiwan ko sa kanya kanina e.
Nakabihis na ang lahat at nakapagligpit na rin ng mga kalat. Bukas, panibago na namang trabaho ang aatupagin namin. Siguradong mas marami ng babae ang pipila.
"Hoy. Kayo a. May utang kayo sa aming tatlo. Hindi kami nakapagbreak ng tatlong oras. Hindi ko tuloy nakasama ang Wendy ko." sigaw naman ni Gab. Tilian naman ng mga girls ang narinig ko.
"Kahit si Sophie ko hindi ko man lang nayakap." Lucas said while pouting dahilan para mamula si Sophie.
"B-bukas na lang!" nauutal na sabi ni Wendy na mukha ng kamatis sa sobrang pula ng pisngi.
"E ikaw, Francis? Hindi mo ba namiss si Trisha?" Napaatras ako ng isang hakbang dahil sa tanong 'yon ng kaklase ko.
Napatingin ang lahat sa akin. Yung dalawa kong kaklase hinawakan ako sa magkabilang braso tsaka ako dinala sa gitna kung nasaan sila Light.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. May dapat ba akong sabihin? Tinignan ko ang mga mata ni Light. Malamig lang siyang nakatingin sa'kin. Walang emosyon. Blangko.
"Ayan na oh. Magyayakapan na yan!" Pangangantyaw pa sa amin ng mga kaklase ko.
Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Nakita kong tumayo si Light at dahang dahang lumapit sa'kin. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaklase ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/5355344-288-k210806.jpg)
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...