SHAEL's POV
Kitang kita namin ang duguang katawan ng isang lalake habang si Tom ay nanginginig sa takot.
"H-hindi ko sinasadya. K-kailangan kong mabuhay." Si Tom na parang nawawala na sa sarili.
"Alam namin, Tom. Akin na ang baril," malumanay na sabi ni Ashley habang dahan dahan syang lumalapit kay Tom.
Dahil mukhang bihasa na rin sa mga ganitong armas si Ashley, nagawa niyang makuha ang baril sa kaklase namin.
Mabilis namang pinakalma ni Wil ang matalik niyang kaibigan.
"Wil, mahina ka pa." Sabay lapit ni Jasmine sa kanya.
"Kailangan na nating umalis. Sigurado akong narinig nila ang putok ng baril. Baka maabutan nila tayo dito," paalala ni Luke Marcus.
"Hindi tayo tatakas." Sabi naman ni Rocky. "Sasalubungin natin sila."
"Nababaliw ka na ba, Rocky? Kapag sinalubong natin sila, siguradong mahuhuli nila tayo," angal naman ni Olivia.
"Para saan pa at naging prinsipe kami ng Black Royals?" Nakangising sagot naman ni Gab.
"Sigurado ka bang kaya mo na, Gab? Alam kong hindi kayo basta basta pero dahil dyan sa mga sugat na natamo mo baka kung anong mangyari sayo," pag aalala ko.
Alam kong malalakas sila. Alam kong kayang kaya nila ang mga tauhan ni Brent pero sa dami ng sasalubungin naming kalaban, sa mga sugat na natamo nila, baka hindi nila kayanin.
"Huwag mo kong alalahanin, Shael. Alalayan niyo na lang si Sophie at Wil. Kami ang mangunguna ni Rocky."
Wala na kong iba pang nagawa kung hindi ang pumayag. Kailangan naming magtiwala sa dalawang lalaking 'to. Ito na lang ang naiisip naming paraan para makaalis sa impyernong napasukan namin.
Walang mangyayari sa amin kung magtatago lang kami nang magtatago.
Magkatulong kami ni Hazel na alalayan si Sophie. Ang kambal ulit ang umalalay kay Wil. Naghanap na rin kami ng iba pang mga bagay na maari naming gamitin panlaban sa mga tauhan ni Brent.
FRANCIS' POV
Pa, ito na ba yung tamang panahon para mapatunayan ko ang sarili ko sa inyo? Sa angkan na pinaka iingat ingatan niyo ni Lolo?
Ito na ba yung tamang panahon para gawin ko na ang responsibilidad na iniwan niyo sa'kin?
Hindi ko inakalang mamahalin ko ng sobra ang taong matagal niyo nang pinapahanap. Ang taong ipinagkasundo niyo bilang magiging prinsesa ko.
Sana maging maayos ang lahat. Sana walang mawala.
Nagbalik lang ako sa realidad nang biglang prumeno si Sam.
"Anong problema?" Usisa ko.
Pagtingin ko sa may harapan, may nakaharang na sa amin na tatlong itim na sasakyan at sigurado akong hindi ito sakop ng Black Royals.
"Shit. Natunugan nila tayo," inis na sabi ni Lucas.
"Francis, mauna ka na sa pabrika. Yun naman ang plano, diba? Kami na ang bahala dito," sabi naman ni Sam bago siya bumaba ng sasakyan.
"We'll make a way para makadaan ang sasakyan na 'to. Ako na ang bahalang magpasunod sa mga knight para may kasama ka," dagdag ni Lucas at kaagad na rin siyang bumaba ng sasakyan.
Hindi na ko nagdalawang isip pa. Mabilis akong lumipat sa driver seat at naghintay na magkaroon ng madadaanan.
Nakita kong nagsilabasan na ang ilang mga armadong lalake sa itim na sasakyan na humarang sa amin.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...