A/N: So, I'll dedicate this chapter and the epilogue to the following wattpad readers:
@saiainostar
@TrishaDlrsr
@ChrizzaMiranda
@imthemasterrrr / 548Karina / katrinamgarde
@LanieLovesU
@saeven_rogue
Naappreciate ko nang sobra yung messages nila sa'kin. Yung mga feels nila sa comment. Nakaka inspire talaga. You're one of the reasons kung bakit nagpatuloy ang MRD. Thank you, guys. :)
And of course, sa sumabaybay ng story ni Shael hanggang dulo, THANK YOU SO MUCH PO TALAGA. May God bless you all. Sana nagustuhan niyo ang story nila ni Light. :) Hinding hindi nila kayo makakalimutan.
May you enjoy reading the final romance and epilogue of Shael's Romantic Destroyer.
I LOVE YOU, GUYS.
XOXO
The Final Romance
SOPHIE's POV
"Rocky! Hindi pa nga galing yung sugat mo kaya huwag kang maggagagalaw!"
"Okay na nga ako e! Ang kulit mo!"
Nako naman. Dito pa nagawang maghabulan ng magjowang 'to. Hambalusin ko sila ng kwadernong hawak hawak ko e.
Huwag nilang sabayan ang init ng ulo ko at baka magwala ako dito. Masyado akong busy sa pag aayos ng pinakabonggang party ng Royal Family.
Nandito ako ngayon sa napakalaking garden ng mansion ng mga Rivero. Pwede na ata akong mag golf sa sobrang laki ng lugar na 'to e.
Kahit saan ka lumingon ay abala ang lahat sa pag aayos para sa gaganaping Coronation ceremony next week.
Nandito rin ang lahat. Nagvolunteer ang buong class 4F sa pag aayos. Nandito rin ang limang prinsipe kasama ang kanilang mga labidabs. Ang wala lang dito ay si Wendy, na naka stay in pa rin sa ospital, at sila Francis at Shael. Sa pagkakaalam ko ay may ihahatid sila sa airport at may family dinner ang mga Ramos at Rivero ngayon.
Si Lucas dapat ang organizer ng event na 'to. Hayop siya dahil pinasa niya sa'kin. Siya na raw ang bahala sa catering. Mukha talagang pagkain.
"Sophie! Sophie!" Si Gillian na nagmamadaling lumapit sa'kin. "Ito na yung guest list natin. Kumpleto na 'to. Promise."
Kinuha ko ang inaabot niyang papel sa'kin. Napakaraming pangalan ang nakalista.
"Sigurado kang wala nang kulang sa listahan na 'to ha?" Paninigurado ko. Lagot ako kay Francis kapag may nagkulang.
Tumango ng tatlong beses si Gillian bilang sagot.
"Good. Thanks, Gillian." Pagkasabi ko nito ay umalis na rin siya.
Kailangan kong puntahan ang former Queen para maipacheck kaagad ang guest list para maipamigay na rin ang mga invitations.
Mababaliw ako nito. Sunday ngayon at may pasok pa kami bukas. Mabuti na lang at napakiusapan namin ang mga teachers na huwag muna kaming bigyan ng homeworks para naman maisabay namin ang preparation na 'to.
It's been a month since that incident.
Maayos na rin ang school. Sa tulong ni Joey at gamit ang mga perang ninakaw ng ama niya, naibalik ang dating estado ng Academy.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
