A/N: Gillian and Max at the multimedia.
SHAEL's POV
"Okay, class. Time's up. Please, pass your papers forward." Sabi nang teacher na nagbabantay sa'min.
Thank God, I was able to answer all the questions. Tapos na rin ang exams namin. Makakapagpahinga na ko. Hopefully, mataas ang makuha kong score.
"Haay, salamat. Tapos na rin ang exam. Saan tayo nito, Pinuno?" Si Lucas habang nag uunat. Gala kaagad ang nasa utak?
"Sa headquarters na lang tayo. Gusto kong matulog maghapon." Sagot naman ni Light.
Nagtext siya sa'kin last night and it's already midnight. Sinabi niya na hindi pa siya tapos magreview. Gusto na raw niyang matulog pero alam niya raw na nag aaral akong mabuti kaya yun din ang gagawin niya.
Sweet ba? Maybe, your answer is yes but I don't want to take this action of him romantically. I have to stop myself from falling over him. Pero atleast, nagpapakatino na siya nang dahil sa'kin.
"Wendy, kayo na munang bahala ni Sophie kay Shael ha? Nasa headquarters lang kami." Sabay tayo ni Light bitbit bitbit ang kanyang bag.
Nakaalis na pala yung teacher na nagbabantay sa'min nang hindi ko man lang namamalayan.
"Okay." Mabilis na sagot naman ni Wendy.
Medyo lumuwag na ang pagbabantay nila sa'kin. Dahil na rin sa wala nang ginagawang masama si Bea. Hindi na nìya ko sinusugod kagaya ng dati. Hindi na rin siya nag iiwan ng kung ano ano sa locker ko. Pero kahit ganoon, imbis na mapanatag ako, mas lalo akong kinakabahan.
Hindi sa dahil natatakot ako kay Bea, kundi dahil mas nahihirapan ako ngayong isipin kung ano ang binabalak niya. Hindi naman siya magbabago nang walang matinong dahilan maliban na lang kung may pinaplano talaga siya.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko. Patayo na sana ko nang may napansin ako kila Gab at Wendy.
"Gab, pwe-" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Wendy pero bigla nang nagsalita si Gab.
"Tara na. Gusto ko na ring magpahinga." Sabay lakad ni Gab palabas ng classroom.
Kitang kita ko sa mukha ni Wendy kung gaano siya nalungkot dahil sa iniwasan siya ni Gab. Ano ba talagang nangyari sa kanilang dalawa?
"Wendy, okay ka lang ba? Mukhang may problema ata kayo ni Gab." This time, gusto ko namang tulungan si Wendy.
"Hindi ko alam, Shael. Hindi ko alam kung bakit bigla niya na lang akong iniiwasan." Binitbit na rin niya ang kanyang bag. "Tara na? Nasa CR si Sophie."
Tumango ako bilang pagsang ayon.
Pagdating namin sa CR, naabutan namin si Sophie na nagsusuklay.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Teen FictionI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
