My Romantic Destroyer 53

1K 22 1
                                    

Dedication: I dedicated this chapter to @MelissaGerona. Naghalungkat po ako ng Notifications at isa ka sa mga nangunguna dun. Hahaha. Thank you po sa votes, comments and of course sa support. :)

ROCKY's POV

Putek. Napasarap ang tulog ko. Wala na pala akong kasama sa classroom na 'to.

Teka. Nasaan si Elizabeth? Sinilip ko ang ilalim ng desk niya at wala na 'tong laman. Kahit ang bag niya ay wala na rin. Iniwan niya ko? Loko 'yun a. Hindi man lang ako ginising.

Mabilis kong inilagay ang mga gamit sa bag ko at naglakad na ko palabas ng room pero sa pagbukas ko ng pinto...

"Ay anak ng palaka!" Bakit ba nanggugulat 'tong magjowa na 'to? Balak ba nila akong patayin dahil sa atake sa puso?

"Mas mukha kang palaka! Ang ganda ganda ng girlfriend ko para maging anak ng palaka!" Sigaw naman sa'kin ni Lucas na mukhang susugurin pa ata ako kung hindi lang siya kaagad napigilan ni Sophie.

Ang initin ng ulo ng lalakeng 'to. Inagaw na ba niya ang titulong War Freak kay Gabriel? At saka anong ginagawa nila dito? Ako ba ang ipinunta nila dito or may nakalimutan lang sila sa room?

"Pagpasensyahan mo na si Lu—" Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Sophie ay bigla na namang nagsisigaw 'tong si Lucas.

"What the! Ako pa talaga yung pagpapasensyahan? Putek na—" Bago pa niya matapos ang kanyanng nirereklamo ay bigla na lamang siyang sinapak ni Sophie.

Ibang klase rin talaga 'tong babaeng 'to.

"Y-yeobo! Bakit mo ko sinapak?" Si Lucas habang hawak hawak ang panga niya.

"Kung ayaw mo ulit masapak, manahimik ka!" Sigaw naman sa kanya ni Sophie.

Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa. Hindi mo alam kung nagmamahalan at may relasyon ba talaga 'tong dalawang 'to  e.

"May sinabi ba kong tumawa ka?" Pagtataray naman sa'kin ni Sophie dahilan para mapatigil ako sa pagtawa. Langya. Sinaniban ba siya ni Elizabeth?

"Okay. Just hear me out. We need to talk to you," at nagpalinga linga pa siya sa paligid, "privately."

"I can't." Tipid kong sagot. Hindi ko sila pwedeng makasama ng matagal. Ngayon nga lang kinakabahan na ako dahil baka may makakita sa amin na tauhan nila Brent. Sigurado akong isusumbong nila ako kila Bea. Lagot ang pamilya ko nito.

"Ang shunga mo talaga no? Isang Sophia Grace Martinez, tinatanggihan mo?" Pagwawala na naman ni Lucas. "Ano bang—" napatigil siya nang itapat ni Sophie ang kamao nito sa mukha niya. "Tatahimik na nga. Hehehe."

"Maiwan ko na kayo," paalam ko sa kanila at nag umpisa na kong maglakad palayo pero hinigit ni Sophie ang braso ko.

"Hindi duwag ang Rocky na nakilala namin few years ago." Sabi pa niya sa'kin na ikinatameme ko.

Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Just stay away from us." At tuluyan na kong lumakad palayo sa kanya.

"Walang magagawa 'yang pagtakbo niyo!" Sigaw pa niya pero hindi ko na siya nilingon pa.

Paulit ulit kong naririnig sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Buhay ng pamilya ko ang nakasalalay dito.

Pero hindi ko pa rin mapigilang maisip na may punto din siya. Walang magagawa 'tong pagtakbo namin ni Elizabeth sa problema. Walang mangyayari kung maghihintay lang kami sa mga mangyayari. Kailangan kong makaisip ng plano para matapos na ang lahat ng 'to.

Pumunta na lang ako sa may soccer field para doon na lang hintayin si Elizabeth. Siguro, may pinuntahan lang 'yon. Kinuha ko ang phone ko at kaagad akong nagtext sa kanya.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon