My Romantic Destroyer 57

1K 21 3
                                        

FRANCIS' POV

Pumunta ako sa may entertainment center ng ospital kung saan maraming pasyente ang nagkakasiyahan dahil sa pinapanood nilang palabas.

Hinanap ko si Wendy sa kanila pero hindi ko pa rin siya nakita. Nasaan na ba siya?

Tama ba 'tong naiisip ko? Na pati siya hawak na rin ni Brent?

Hindi pwede. Baka hindi ko na makontrol ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya.

Cafeteria, lobby, hospital garden. Nalibot ko na ang buong ospital pero hindi ko pa rin siya nakikita. 

Saan pa ba ako hindi nakakapunta? 

Tang ina, Francis! Paganahin mo ang  utak mo!

Rooftop! Muli akong tumakbo papunta sa rooftop. Takte. Saan nga ba yung daan papunta doon? 

May nakita akong pinto na may sign na 'stairway' sa may tabi ng elevator. Bahala na. Pumasok ako sa pintong 'yon at bumungad sa'kin ang hagdan ng ospital. Mabilis ko 'tong inakyat hanggang sa marating ko ang dulo nito.

Bukas na pinto ang una kong nakita at malakas na hangin ang mabilis na dumampi sa balat ko. Pagpasok ko ay nasa rooftop na nga ako.

Kaagad kong hinanap si Wendy at may nakita akong babaeng naka hospital dress at may dala dalang dextrose ang nakatayo malapit sa may railings ng rooftop.

"Wendy!" Sigaw ko sa kanya.

Lumingon ang babae at hindi nga ako nagkamali. Siya ang pinsan ko.

Ngumiti siya sa'kin. "Oh? Anong ginagawa dito ng pangit kong pinsan?"

Habol man ang hininga, lumapit ako sa kanya at kaagad ko siyang niyakap. 

"Pinag alala mo ko. Tae ka." Humiwalay ako sa kanya. "Ano bang ginagawa mo dito?"

Ngumiti na naman siya. Yung ngiti na ginagawa niya sa tuwing may kasalanan siya. 

"Sorry, Francis. Ayoko kasi sa kwarto ko e. Kung ano ano ang naiisip ko kaya naisipan kong magpahangin muna." Paliwanag niya.

Gusto kong magalit sa kanya dahil tinakot niya ko pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Hindi pa siya masyadong nakakarecover at hindi siya dapat mastress.

Huminga ako ng malalim tsaka ginulo ang buhok niya.

"Tara na. Bumalik na tayo sa kwarto mo. Sasamahan kita doon."

Inalalayan ko na siya pabalik sa kwarto niya.

"Sorry kung pinag alala kita ha?" Sabi pa niya nang makahiga na siya sa kama.

"Basta sa susunod, huwag kang aalis dito nang hindi nagsasabi man lang."

Inayos ko ang kama niya para nakaupo siya habang nakasandal sa kama.

"Nakakalungkot kasing mag isa dito." She said as she pouted. "Teka, diba, may klase tayo? Bakit ka nandito?"

Mukhang kailangan kong magsinungaling. Hindi niya pwedeng malaman ang mga nangyayari. Makakasama sa kanya.

Umupo ako sa may gilid ng kama at kinuha ko ang libro na nasa may bedside table.

"Tinamad akong pumasok kaya nagpunta na lang ako dito."

"Kamusta na si Shael?" Biglang tumamlay ang boses niya kaya't naibalik ko ang tingin ko sa kanya. "Galit ba siya sa'kin? Bakit hindi na siya bumalik dito kagaya ni Gab?"

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon